Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Love Me Tomorrow, naka-P14-M sa opening day

HINDI kami nanghinayang sa ibinayad naming P250. Yes! Sulit na sulit ang aming ibinayad para sa pelikulang Love Me Tomorrow na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Dawn Zulueta, at Coleen Garcia.

Tuwang-tuwa kami sa karakter ng tatlong bida sa pelikula.

Unang-una kay Piolo na talaga namang hindi mo matatawaran ang galing sa pag-arte. Hindi lang ‘yan huh! Trulaley ngang ginawang karne si Piolo sa pelikula na bawat eksenang naka-topless siya ay tilian naman ng manonood.

Wala rin kaming masasabi kay Dawn. Bagay na bagay sa kanya ang ginampanang role at ‘yung arte niya, ramdam mong natural at napaka-gaan lang. The most is, mapa-serye man o pelikula, hindi mo matatawaran ang pagiging glamorosa niya. She’s like sa star na habang pinanonood mo ang bawat eksena, ‘yung hindi mo kayang kumurap dahil gustong-gusto mong makita ang kinang niya huh.

Made na made na nga itong si Coleen. Sa buong pelikula, Coleen truly nailed it. Ang husay niyang umarte at napakaganda niya rin sa screen. Sa totoo lang, napakasarap manood ng pelikulang guwapo at maganda ang bida lalo na’t magagaling pang umarte, ‘di ba?

Pero sa totoo lang, kung may dapat ding purihin sa pelikulang Love Me Tomorrow ay itong 26 years old na direktor na si Gino Santos. Wow! Sobrang napabilib niya kami sa pelikulang ito. ‘Yung shots niya in every scene, the cinematography, the editing, sureness kaming binantayan ito ni Direk lalo na’t makikita mo sa pelikula na inalagaan niya rin ang shots ng tatlong bida huh. Parang isang veteran or subok ng direktor sa isang mainstream movie ang gumawa at hindi mo akalaing isang baguhan lang.

Kung sabagay, hindi naman ito ipagkakatiwala ng Star Cinema sa kanya kung hindi siya karapat-dapat noh.

Congratulations sa buong staff, cast and crew ng movie na naka-almost P14-M sa opening day. Wish namin ay mabigyan pa ng magandang proyekto sa Star Cinema si Direk Gino. Sana makatrabaho niya rin angKathNiel!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …