Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayors sa droga lagot kay Duterte

DAVAO CITY – Binalaan din ni presumptive President Rodrigo Duterte ang mga alkalde at iba pang local officials na nauugnay sa illegal drugs.

Ayon kay Duterte, bukod sa mga pulis, pinaaalahanan din niya ang mga alkalde at iba pang lokal na opisyal ng pamahalaan na huwag nilang isipin na dahil nasa mas mataas na silang posisyon adrug syndicate sa kanilang lugar.

Una rito, binantaan ng incoming president ang mga pulis at may mga general pa raw na maaaring nauugnay sa ilegal na droga.

Aniya, habang may panahon pa na makukuha nila ang kanilang mga benepisyo ay magretiro na o kaya magpakalayo-layo na lamang.

Kasama sa naging plataporma ni Duterte sa kanyang pangangampanya ay sugpuin ang krimen, korupsiyon at droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Balak din ng alkade na gayahing ipatupad sa buong bansa sa kanyang panunungkulan bilang pangulo, ang mga ordinansa sa lungsod ng Davao gaya ng liquor ban, anti-smoking ban at curfew.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …