Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 sugatan sa bumaliktad na taxi sa Kyusi

APAT ang sugatan makaraan bumaliktad ang isang taxi sa Quezon Avenue southbound sa Quezon City nitong Linggo.

Kuwento ng driver na si Noel Malapit, binabaybay niya ang naturang kalsada dakong 3 a.m. nang biglang tumawid ang isang itim na kotse.

Galing aniya sa kalapit na bar ang kotse at papunta ng U-turn slot.

Bumangga ang taxi sa kotse, sumampa sa road center island at bumaligtad. Natanggal din ang gulong ng taxi sa lakas ng pagbaliktad nito.

Mabilis na nailabas sa taxi si Malapit at tatlo niyang pasahero na pawang nagkaroon ng mga galos at sugat sa katawan.

Kinilala ang driver ng kotse na si Albert Christian Uy.

Inabot ng isa’t kalahating oras bago naialis ang bumaliktad na taxi sa lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …