Friday , November 15 2024

Obama binati si Duterte

KARANGALAN para kay President-elect Rodrigo Duterte ang makausap si U.S. President Barack Obama.

Ayon kay Duterte, si Obama ang pinakaunang head of state na tumawag at bumati sa kanya makaraan ang panalo sa halalan.

Sa kanilang pag-uusap, tiniyak ni Duterte kay Obama na mananatiling kaalyado ng Amerika ang Filipinas, partikular sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ngunit ipinaabot mismo ni Duterte kay Obama na bukas ang incoming president sa bilateral talks sa China kung walang patutunguhan ang mga kasalukuyang hakbang na ginagawa para maresolba ang tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay Duterte, hinimok siya ni Obama na hintayin ang magiging desisyon ng arbitration tribunal sa kasong inihain ng Filipinas laban sa China.

Una nang sinabi ng White House na ipinaabot din ni Obama kay Duterte ang kahalagahan ng pagrespeto sa karapatang pantao at ‘rule of law’.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *