Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Leni Robredo sarili iprinoklamang vice president (Bilangan ‘di pa tapos)

HINDI pa man ganap na natatapos ang bilangan para sa resulta ng halalan, tila gigil nang umupo si Camarines Sur Rep. Leni Robredo at nagdeklara nang pagkapanalo sa mahigpit na katunggaling si Sen. Bongbong Marcos.

Inihayag ni Robredo ang 24,000 votes na kalamangan kay Marcos, na ayon sa policy head ng Robredo Campaign Team na si Boyet Dy, maituturing na ‘mathematically impossible’ na para kay Marcos na makahabol kahit idagdag pa umano ang mga boto mula sa lugar na hindi pa nakapag-transmit ng COCs.

Kampante na agad si Robredo na siya ang tatanghaling nagwaging bise presidente dahil sa kalamangan kay Marcos gayong mismong ang Commission on Elections (COMELEC) ang nagpahayag na hinihintay pa ang resulta ng botohan sa lalawigan ng Antique, Lanao del Sur at sa katatapos lamang na botohan sa Northern Samar noong Sabado at maging ang resulta ng pagboto ng mga bilanggo.

Ayon naman sa legal team ni Marcos, tiwala silang sila ang mananalo sa pagbibilang ng national board of canvassers base sa mga COC.

Bagama’t kinuwestiyon n ito ang integridad ng resulta ng boto matapos umanong baguhin ang script ng transparency server ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Maging ang PPCRV, dumistansya sa pag-angkin ng panalo ng Liberal Party (LP) vice presidential candidate.

Ayon kay PPCRV National Vice Pres. Johnny Cardenas, maaring ‘di galing sa transparency server ng COMELEC ang ibang numerong binanggit ng kampo ni Robredo.

Dagdag ni Cardenas, posibleng pinagbatayan ng kampo ni Robredo ang election returns na nakuha ng LP bilang dominant majority party. Tiniyak ni COMELEC Chairman Andres Bautista na tuloy ngayong linggo ang proklamasyon sa mga nagwaging 12 senador at party-list groups.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …