Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalawang staff ng Immigration weekly newspaper inasunto

INIUTOS ng Pasay City Prosecutor’s Office na kasuhan ng libel ang dalawang staff ng isang weekly newspaper sa Bureau of Immigration (BI) matapos makitaan ng probable cause na sinabing nakasisira nilang mga pahayag laban sa isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na lumabas sa pahayagan.

Nakitaan ng probable cause para sa dalawang bilang ng kasong libel laban kina Ferds Sevilla, nagpakilalang kolumnista at editor ng weekly Immigration newspaper at isang bilang ng libel laban kay guest columnist Reynaldo Marquez, a.k.a. Vito Barcelo.

Nagsampa ng reklamo ang opisyal ng BI laban sa dalawang mamamahayag sa pitak ni Sevilla na ‘Editor’s Desk’ at sinulat ni Marquez na ‘Blueprint’ mula Hunyo 22 hanggang 26, 2015.

Ang artikulo, ayon sa complainant ay hayagang pag-atake sa kanya matapos ni-yang ireklamo ang hindi makatarungang reshuffle.

Sa kanila namang counter affidavit, inamin ng mga res-pondent ang sinabing mga komentaryo at artikulo ngunit ikinatuwiran bilang depensa na ang ‘blind items’ ay nagpapatungkol sa ilang hindi kinilalang mga indibiduwal na pinainiwalaang mga miyembro ng rank and file ng BI.

Ngunit makaraan ang pagsusuri ng ebidensya, idiniin ni Pasay City assistant prosecutor Alan Mangabat na nagpa-kita ang mga pahayag nina Sevilla at Marquez na “libelous in nature” habang hindi binanggit ang pangalan ng complainant ay nakilala rin siya dahil sa kanyang “intrinsic reference.”

“The respondents have caused dishonor and discredit to the complainant and the imputation is certainly malicious calculated to malign the integrity and character of the victim,” dagdag ni Mangabat sa kanyang resolusyon.

Sinabi rin na ang “pagtanggi ng mga respondents ay hindi maaaring manaig sa ebi-densiya kaya mas makabubuting ang kanilang depensa ay maihayag sa isang paglilitis sa korte na ang magkabilang panig ay maisasailalim sa cross examination.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …