Friday , November 15 2024

Alerto ibinaba na ng AFP sa blue alert

TATLONG araw makaraan ang halalan, ibinaba na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang alert level mula sa red alert patungo sa blue alert.

Ayon kay acting AFP chief of Staff Lt. Gen. Glorioso Miranda, ang pagbaba ng kanilang alert level ay dahil unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon makaraan ang halalan nitong Lunes.

Paglilinaw ni Miranda, hindi lahat ng lugar ay nasa blue alert at kanya nang ipinauubaya sa area commanders ang pagpapanatili sa red alert ng kani-kanilang areas of responsibility (AOR).

“I am giving that prerogative to my area commanders to determine as to what alert level they could be maintaining,” wika ni Miranda.

Paliwanag ng chief of staff, kung ang GHQ ang pag-uusapan mayroong mga standby force para makapagresponde sakaling kakailanganin ito hanggang magkaroon na ng ‘transition of authorities.’

Unang nagbaba ng alerto ang pambansang pulisya mula sa full alert patungo sa heightened alert.

Samantala, inilinaw ni Miranda, normal na proseso lamang ang ginagawa nilang ‘shifting of forces’ dahil nakadepende ito sa security situation sa isang lugar.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *