Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rebelde todas, 1 sugatan sa sagupaan sa Agusan Sur

BUTUAN CITY – Kinikilala pa ang bangkay ng isang rebelde na narekober makaraan ang pakikisagupa sa militar sa Purok 9, Tiniwisan, Brgy. San Jose, sa bayan ng Prosperidad, sa lalawigan ng Agusan del Sur kamakalawa.

Ayon kay Capt. Jasper Gacayan, public information officer ng 401st Brigade Philippine Army, nakasagupa ng 3rd Special Forces na kasama sa Law Enforcement Operation, ang tinatayang 40 miyembro ng Guerilla Front Committee 8 ng NPA sa loob ng 30 minuto.

Walang naitalang casualty sa panig ng mga sundalo ngunit naiwan ang isang bangkay at isang sugatan na rebelde.

Habang narekober ng tropa ang isang unit ng AK-47 at isang unit ng M16 rifle.

Nasa pribadong punerarya na ang bangkay habang ginagamot ang sugatang rebelde.

Samantala, puspusan ang nagpapatuloy na hot pursuit operation ng mga militar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Leody de Guzman BMP Julius Cainglet FFW

Katarungan at dignidad ilagay sa sentro ng paggawa para sa mga manggagawa

NANAWAGAN si Bishop Gerardo A. Alminaza sa mga pinuno ng Caritas Philippines at mga organisasyon …

USTNAI Senen Cabalfin Gandang Lola

Gandang Lola Year 3 Medical Mission Naghatid ng Pagaling, Saya, at Dignidad sa Elderly Community

NAGSAMA-SAMA ang malasakit, pag-aaruga, at selebrasyon sa Little Sisters of the Elderly habang matagumpay na …

Arrest Shabu

Sa serye ng drug bust, P.9-M shabu nasabat

MULING nagtagumpay ang PRO3 sa kampanya kontra ilegal na droga matapos ang magkakasunod na buybust …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

NAUWI sa isang malagim na pagkakatuklas ang paghahanap sa isang nawawalang miyembro ng Philippine National …

Alexis Castro Bulacan

Bise Gob. Castro, kinilala sa kanyang makataong pamumuno sa Golden Icons Awards

DAHIL sa kaniyang pagiging makatao at may paninindigang pamumuno, kinilala si Bise Gob. Alexis Castro …