Sunday , December 22 2024

Reporter, cameraman bugbog-sarado sa mayoralty supporter (Sa Zambo Sibugay)

ZAMBOANGA CITY – Bugbog-sarado ang isang reporter ng local television station na nakabase sa Pagadian City at ang kanyang cameraman makaraan kuyugin ng supporters ng isang mayoralty aspirant.

Kinilala ang reporter na si Jay Apales habang ang kanyang cameraman ay si Clint John Ceniza, nagtatrabaho sa local station na TV-One sa Pagadian City.

Ayon sa ulat mula sa Pagadian City, bumiyahe ang mga biktima papunta sa bayan ng Buug sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay para mag-cover ng halalan roon.

Kumukuha ng footage ang cameraman nang lapitan ng mga supporter ng mayoralty aspirant at pinigilan ngunit hindi nakinig ang mga biktima.

Bunsod nito, nagalit ang mga supporter at binugbog ang mga biktima.

Bukod dito, inagaw rin ng mga suspek ang camera at iba pang mga kagamitan ng dalawang biktima at winasak.

Tinutukan sila ng baril ang nagbantang sila ay babarilin kung hindi aalis sa lugar.

Nakabalik na ang mga biktima sa Pagadian City ngunit hindi pa mabatid kung magsasampa sila ng reklamo laban sa naturang mga supporter ng mayoralty aspirant.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *