Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Singing lawyer ni Abunda, nominee ng #113 Agbiag Party-list

HINDI maitago ng mga taga-showbiz at media ang pagka-excite sa posibilidad na isa sa pinakamatalinong showbiz at media personality sa Pilipinas ay maaaring makapasok sa Kongreso bilang Congresswoman, ito ay si Atty. Dot Balasbas Gancayco ng #113 AGBIAG Partylist.

Inendosona si Gancayco ng dati niyang manager na si Boy Abunda, gayundin ng kanyang matalik na kaibigang si Nonoy Zuniga, pamangking si Erich Gonzalesat boyfriend na si Daniel Matsunaga, sikat na batang actor na si Yves Flores at marami pang ibang batikang artista gaya nina Tirso Cruz III, Edgar “Bobot” Mortiz, Al Tantay, Marissa Sanchez , at Ricky Davao.

Si Atty. Dot Gancayco ay ang tinaguriang singing lawyer ni Abunda na sumikat noong 90’s. Siya ay isang multi-awarded na abogada, manunulat sa Philippine Star, Singing Champion, Dance Champion, at Fun Run Champion! Siya ay Valedictorian ng kanyang klase sa Kamuning Elementary School at nawala sa showbiz dahil nanganak.

Pagkaraan ay nag-focus na sa pagiging abogada at Chief of Staff ng iba’t ibang representante sa kongreso.

Sa nakalipas na panahon, sumikat pa si Atty. Gancayco sa pagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga mahihirap, telebisyon, at radyo. Kilala rin ito na tumutulong sa pagbibigay ng trabaho at libreng serbisyong legal sa napakaraming singer, artists, pintor, at banda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …