Friday , November 15 2024

Vote Buying talamak sa Eastern Visayas (Pekeng pera ipinamimigay)

TACLOBAN CITY – Talamak pa rin ang vote buying sa maraming lugar sa Eastern Visayas at hindi ito ikinakaila ng maraming mga botante.

Sa nakuhang impormasyon, mismong barangay officials pa ang nangunguna sa pamimigay nito.

May ilang reklamong natatanggap ang himpilan tungkol sa mga pekeng pera na ipinamimigay sa bahagi ng Marabut Samar.

Ayon sa hindi nagpakikilalang botante, aabot mula sa P2,000 hanggang P10,000 ang vote buying sa kanilang bayan.

Reklamo ng ilan, may pekeng ipinamimigay kaya ganito na lang kalaki ang bigayan.

Ngunit komento ng isang kandidato, hindi raw nagmula sa kanila ang pera at posibleng estratehiya ito ng kabilang kampo para magalit sa kanila ang taongbayan.

Samantala, nagkaroon ng kaguluhan sa bahagi ng Northern Samar habang namimigay ng pera bilang pagsuporta sa isang kandidato.

Wala pang naiuulat na nahuling politiko o kandidato na may kaugnayan sa vote buying sa buong rehiyon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *