Friday , November 15 2024

Relax Lang – PNP Chief (Kandidato, supporters sinabihan)

UMAPELA si PNP chief Director General Ricardo Marquez sa lahat ng mga kandidato at sa kani-kanilang supporters na maging mahinahon, kalmado at respetohin ang ‘rule of law.’

Huwag din daw gumawa ng mga aksiyon na hindi magdudulot nang maganda.

Ito ang panawagan ni Marquez kasunod sa mga report na ilang supporters ng mga kandidato ay nagiging agresibo at marahas.

Tiniyak ni Marquez, hindi sila pagagamit sa ano mang mga political agenda.

Aniya, ang PNP ay non-partisan at apolitical na organisasyon.

Kanya ring pinaalalahanan ang kanyang mga tauhan hinggil dito.

Ayon sa PNP chief, mananagot ang sino mang mga pulis na mahuhuling may pinapanigan na kandidato batay sa PNP Ethical Doctrine.

Sinisiguro ng PNP sa publiko na ginagawa nila ang lahat para pagtibayin ang seguridad at integ-ridad ng national and local elections ngayong araw nang sa gayon maiwasan ang ano mang karahasan.

Gagawin din nila ang lahat para masustina ang peace and order sa bansa.

8 batalyon ng pulis standby sa Crame

WALONG batalyon ng mga pulis ang naka-an-tabay sa Kampo Crame para sa posibleng deployment ngayong araw at sa susunod na mga araw kung kakailanganin ng sitwasyon.

Kahapon ng umaga isinagawa ang ‘accounting of troops’ sa Kampo at nag-alay ng panalangin ang mga pulis na miyembro ng Reactionary Standby Support Force (RSSF).

Una rito, sinabi ni PNP spokesperson, Chief Supt. Wilben Mayor, ang nasabing mga puwersa ng RSSF ay standby force at puwede silang ideploy ano mang oras at araw kung kinakailangan.

Aniya, ang RSSF ang tutugon sa emergency situations.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *