Tuesday , January 14 2025

Boto, endoso bibilangin sa eleksiyon (Hindi survey — Chiz)

“KAYA nga boto ang binibilang, hindi ang survey.”

Kompiyansang sinabi ito ni independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero nitong Lunes batay sa 20% ‘soft voters’ na pinaniniwalaang pinal na magpapasya sa araw mismo ng halalan.

Aniya, magpapalit pa ang soft voters ng napupusuang kandidato hanggang sa huling sandali at ang tutukoy sa tunay na pinili ng taumbayan ay mga balotang bibilangin pagkaraan ng botohan sa Mayo 9.

“Maaari pang magbago. Noon pa man kung inyong napansin, kahit survey nagpapalit ng direksiyon, ilang araw lamang ang pagitan. Halos nasa 20%  ng ating mga kababayan, hanggang ngayon, ay itinuturing na ‘soft votes’ dahil maipipinal nila ang pagpili ng pangalang isi-shade sa mismong araw ng halalan. Kaya kung ang kalamangan sa ngayon ay nasa 9%, 5%, 11% o 12%, nananatiling nakaamba ang malaking epekto sa bilangan ng 20 porsiyento ng ating mga kababayan na magpapasya sa araw mismo ng eleksyon,” paliwanag ng Bicolanong senador.

Ani Escudero, tumatakbong bise presidente katambal ni Sen. Grace Poe, may isang linggong pagitan sa huling araw na isinagawa ang survey at ang aktuwal na botohan, kaya sa araw ng pagsasapubliko ng resulta ng nasabing surveys – hindi na ito kumakatawan sa eksaktong opinyon o repleksiyon ng tunay sentimyento ng mga botante.

“Nangyari nang maraming beses. Halimbawa: sa halalang pampanguluhan noong 2010, lahat ng survey noon ay nagsabi na mauuwi sa malayong-ikatlong puwesto lamang si Erap kay PNoy. Ang nangyari? Pangalawa si Erap at hindi malayo ang botong natanggap niya mula sa numero ng Pangulong Aquino. Ipinakita rin ng surveys noong 2004 na lalamang nang malaki si GMA sa kalakhang Maynila, pero sa huli, lamang ng sampung porsiyento si FPJ kay Gloria dito sa Metro Manila.”

Kamakailan, ikinandado ng malalaking organisasyon sa bansa ang kanilang suporta kay Escudero, kabilang ang People’s Coalition for Progressive Philippines (PCPP), ang Confederation of Coconut Farmers Organization of the Philippines (CONFED), at ang Tri-Council Mindanao.

Ang PCPP ay koalisyon ng 146 socio-civic organizations at kinabibilangan ng 15 milyong kasapi sa buong bansa. Ngayong Martes, nilagdaan ng Chairman ng PCPP na si Manuel Barbara Jr., at ng board of trustees ng nasabing koalisyon ang isang manifesto na nagpapahayag nang buo nilang pagsuporta sa kandidatura ni Escudero bilang bise presidente.

Tinanggap din ni Escudero ang endoso ng CONFED, ang pinakalamaki at pinakamalawak na alyansa ng pangunahing organisasyon ng mga magniniyog  sa bansa. Ang CONFED ay may nakatalang 3.2 milyong mga miyembro, at pinamumunuan ni Ginoong Efren Villaseñor, ang pambansang chairman nito.

Buong suporta sa kandidatura ni Escudero ang ipingakaloob ng Tri-Mindanao – ang kapatiran ng Muslim-Kristiyano-at-Lumad sa Kanlurang bahagi ng Filipinas.

Ang national chairman ng Kaunlaran ng mga Magsasaka at Manggagawa ng Pilipinas at national president ng Coconut Peasants’ Reform Alliance (COPRA) na si Datu Mao Andong Jr.,  namumuno sa Tri-Mindanao.

Pormal na iginawad ng CONFED at ng Tri-Mindanao kay Escudero ang endoso sa pagtitipon sa Makati Sports Club noong Lunes.

Bago ito, tinanggap ni Escudero ang endorsement ng mga kilalang lider at itinuturing na “political heavyweights” sa bansa, kabilang sina: Albay Gov. Joey Salceda, dating Cebu Gov. Emilio “Lito” Osmeña at Negros Occidental Rep. Albee Benitez.

Inendoso rin ang Bicolanong senador ng anak ni presidential candidate Rodrigo Duterte na si Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte ng Davao City; ng kapatid ni dating Presidente Fidel Ramos at dating mambabatas na si Sen. Leticia Ramos-Shahani; at ni Ifugao Gov. Denis Habawel.

Nasa likod ng kandidatura ng abogado at beteranong senador na taga-Sorsogon ang kapwa Bicolanong sina Governor Edgardo Tallado ng Camarines Norte, Gov. Raul Lee ng Sorsogon. Si Catanduanes’ gubernatorial candidate at incumbent Vice Gov. Jose “Bong” Teves Jr., ang nagbabalik sa puwesto na si dating Masbate Gov. Rizalina Seachon-Lañete ay nagpahayag din kamakailan na ibubuhos ang tulong upang ipanalo si Escudero.

Kabilang sa mga nagtutulak sa kandidatura ni Escudero ang Barug Alang sa Kauswagan ug Demokrasya or Bakud Party ng mga Durano sa Cebu; Kabalikat ng Bayan Kaunlaran or KABAKA party ni Manila mayoralty candidate at incumbent Rep. Amado Bagatsing; at ang Coalition of Clean Air Advocates Philippines na binasbasan ang senador kamakailan bilang “Clean Air Champion.”

Hindi nagpahuli ang mga pangunahing organisasyon sa transport kagaya ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO), National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP), at ang Stop & Go Coalition, ay sumumpa ring itutulak ng husto ang kandidatura bilang bise presidente ni Escudero.

Ikinagulat ang pag-anunsiyo ng hayagang pagsuporta kay Escudero ng iba’t ibang organisasyon ng Guardians Brotherhood sa ilalim ng Makabansang Unifikasyon ng Guardians, Inc. (MUG) na tinatayang may  11 milyong kasapi sa buong kapuluan.

About Hataw News Team

Check Also

NGCP

Solon: Do not blame NGCP, wants ERC penalized for allowing NGCP to pass on franchise tax to consumers

The Energy Regulatory Commission (ERC) admitted issuing a resolution allowing NGCP to pass on its …

Faith in Action A Christmas of Compassion and Giving

Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving

As the Christmas season enveloped us in its joyous preparations, a heartwarming reminder of the …

Arrest Shabu

Bigtime lady drug supplier tiklo sa P6-M shabu ng QCPD

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD)  Batasan Police Station 6 ang kilalang bigtime lady …

Traslacion Nazareno

Pagkagaling sa Traslacion  
10 miyembro ng DOH medical team sugatan sa bangga ng dump truck

SAMPUNG miyembro ng Department of Health medical team ang isinugod sa ospital nang mabangga ng …

011025 Hataw Frontpage

Pinakamatagal mula 2020
8-M DEBOTO LUMAHOK, HALOS 21 ORAS ITINAGAL NG TRASLACION 2025

HATAW News Team NAITALA ngayong taon ang pinakamatagal at pinakamahabang prusisyon bilang pagdiriwang ng Pista …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *