Kim Chiu Paulo Avelino Jolina Magdangal Marvin Agustin

KimPau movie sa Marso; Jolens-Marvin uunahin

I-FLEX
ni Jun Nardo

DESMAYADO ang faney ng KimPau (Kim Chiu at Paulo Avelino) dahil naurong ang playdate ng ginagawa nilang movie na sakto sana sa Valentine week.

Naglabas na ng statement ang Star Cinema na sa Marso na mapapanood ang KimPau movie.

Ang balita namin eh mas unang ipalalabas ang comeback movie  ng loveteam nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, huh!

Between the two loveteams, sino ang mas bet mo, Ms. Ed, na unang ipalabas at swaak maging V-day presentation?