Sunday , December 22 2024

Recom wagi na sa Caloocan

TIYAK na tiyak na ang pagbabalik ni Congressman  Recom Echiverri bilang punong lungsod ng Caloocan City matapos lumabas sa halos lahat ng matitinong survey na isinagawa sa siyudad, na ang kandidatong magbabalik ng sigla sa lungsod ang magwawagi sa darating na halalan sa Mayo 9.

Sa survey ng Innovative Politics.Com o INNOPOL.COM na isinagawa noong Abril 18-22, ngayong taon, lumabas na nakakuha si Echiverri ng 51 percent sa 18,800 respondents na tinanong habang si Mayor Oca Malapitan ay nakakuha lamang ng 44 percent, nananatiling 5 percent  ang wala pang desisyon.

Sa naturang survey, ayon kay Prof. Ernie Radin, nanguna sa pagsasagawa ng survey at pag-aaral, kanilang isinama sa pagtatanong kung sino ang kanilang pipiliin mayor, vice mayor at kung ano ang mga kadahilanan kung bakit nila iboboto ang isang kandidato.

Ayon kay Radin, pinaghati-hati nila ang 18,800 respondents sa 188 barangay ng Caloocan City, na 100 katao ang tinanong nila kada barangay.

Lumabas sa survey ng INNOPOL.COM, pinili ng nakararaming residente ng Caloocan si Echiverri dahil nakita nila ang paggalang niya sa mga hinaing at kagustuhan ng tao.

Malinaw sa sagot ng respondents, na nagustuhan at ibabalik nila si Recom dahil sa palagiang konsultasyon na ginagawa niya sa komunidad upang itanong ang gusto nilang programa at proyekto.

Lumabas din na ayaw na ayaw ng mga residente ng lungsod ang isang mala-diktador o “authoritarian style” ng liderato gaya ng pagsasalarawan nila sa Malapitan administration.

“Ang gusto ng tao ay lider na kanilang nakakasalamuha at nagtatanong, hindi isang pinuno na walang iginagalang kung hindi ang kanyang gusto at idinidikta,” paliwanag ni Radin sa resulta ng survey.

Nakita rin ng INNOPOL.COM, sa sagot ng 18,800 respondents na kanilang bubuhatin si Echiverri patungo muli sa city hall dahil sa agaran at mabilis na aksyon sa problema ng bawat komunidad at barangay.

Tumatak sa utak ng tao na si Recom ay isang lider na mabilis kumilos at hindi teka-teka sa hinaing at problema ng mamamayan dahil agarang isinasakatuparan ang mga pagawain na sa kanya ay hiniling, katulong siya at ang taumbayan.

“Gusto ng tao ang pinunong maka-masa at nagtatanong, hindi isang lider na animo’y diyos, at sinasabing tao ang una pero hindi naman pala,” pagkukuwento ni Radin sa mga sagot ng respondents.

Hindi rin nagustuhan ng residente ng lungsod ang mga ‘papoging’ pagawain ni Malapitan dahil malinaw sa resulta ng survey na ibabalik nila si Echiverri dahil ‘sisid’ o ibinababa niya ang mga programa at proyekto sa grassgroots kagaya ng konsultasyon sa tao at barangay, libreng gamot sa health centers, pabahay sa mga maralita, livelihood programs sa mga kababaihan at ipinararamdam na pagkalinga sa mga bata at senior citizens.

Lumabas din sa survey na dikit din ang magiging laban para sa pagka-vice mayor ng lungsod matapos makakuha si VM Maca Asistio ng 49 percent habang si Kapitan Ato Oliva ay nakakuha ng 45 percent. Anim na porsiyento naman ang hanggang sa ngayon ay wala pa ring napipiling vice mayor.

Si Radin ay propesor sa Adamson University, Emilio Aguinaldo College at ABE International College.

Siya rin ay bihasa sa Field Marketing Research, at maraming kompanya ang kumukuha ng kanyang serbisyo para sa pag-aanalisa at pag-aaral.

Kaugnay nito, patuloy na dinaragsa ang mga pagpupulong na isinasagawa ni Echiverri sa mga barangay kasabay ang pagsasabing iboboto nila si Recom dahil sa programa niyang TEAM RECOM HELPS, na lubhang tumatak sa mamamayan ng lungsod at labis na kailangan ng kasalukyang panahon.

Ang TEAM RECOM HELPS ni Echiverri ay tututok sa H-health, E-education, L-livelihood and employment at libreng pagpapalibing, P-peace and order at S-shelter, senior citizens, at sectoral representation in policy making.

Layunin ni Echiverri na ibalik ang sigla sa Caloocan sa pamamagitan ng pagtutok sa HELP dahil ito ang nakaligtaan ng kasalukuyang liderato.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *