Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayweather may tsansang bumalik sa ring

NANINIWALA ang mga fans ni Floyd Mayweather Jr. na muli itong babalik sa ring para lumaban.

Noong Sabado  sa paboksing ng Mayweather Promotions sa DC armory na kung saan ay naroon si Floyd hindi maiwasang pag-usapan ang kanyang pagbabalik sa ring ng kasamang ring commentator na si Jim Gray ng Showtime.

“Everyone is asking me, ‘Is Floyd Mayweather coming back?’ Right now, I’m happy being on this side (promoting), but I’ve been talking with CBS and Showtime, and you just never know. But right now, I’m just happy on this side.”

Negatibo man ang sagot ni Floyd sa tanong ng kanyang pagbabalik sa ring—naniniwala ang mga miron ng boksing na naroon parati sa usapang iyon ang tsansang biglang magbago ang desisyon ni Mayweather.

“As of right now, some crazy numbers have been thrown my way — upwards, of course, nine figures,” dagdag pa ni  Mayweather. “But I’m truly blessed beyond belief, and I really don’t know what we’re going to do. But right now, I’m really happy being on this side helping fighters.”

Sa punto ng kanilang usapan ni Gray, isiningit pa rin nito ang posibleng laban nila ni middleweight champion Gennady Golovkin, welterweight champion Danny Garcia at ang mananalo sa labang Keith Thurman at Shawn Porter.

Nagawang umiwas ni Mayweather sa huling tanong ni Gray pero naniniwala ang lahat ng nagmamahal sa boksing na ang maliit na tsansang ibinigay ni Floyd sa kanyang muling pagbabalik sa ring ay posibleng lumaki ang maging realisasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …