Monday , December 23 2024

Duterte bagsak (Poe tumataas)

LABIS nang nadarama ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang epekto ng kanyang kontrobersiyal na “rape joke” at ang pagkasangkot niya sa sobrang korupsiyon samantala umakyat ang rating ng kanyang mahigpit na karibal sa presidential race na si Senadora Grace Poe.

Base sa pinakabagong inilabas na survey ng Pulse Asia kamakalawa, sinabi ni Pulse Asia research editor Ana Maria Tabunda na napakalaki ng ibinagsak ni Duterte mula sa majority voters ng National Capital Region. Mula sa dating 43 percent ay nasa 34 percent na lamang ang alkalde ng tinaguriang “Murder Capital of the Philippines.”

Aniya, bagamat napanatili ng maanghang magsalita na pambato ng PDP Laban ang kanyang kalamangan sa apat pa niyang katunggali ayon sa Abril 19-24 survey na kinomisyon ng ABS-CBN, hindi malayong magpatuloy pa ang pagbagsak ni Duterte lalo at naisiwalat ang kanyang P211-million hidden wealth na ibinulgar noong nakaraang linggo ni Senador at Vice Presidential candidate Antonio Trillanes.

Unang tinangkang ismolin ni Duterte at tinawag pang ‘gago’ ang senador at itinatwa ang sinabing joint account niya at ng anak na si Sarah “Inday” Duterte na nakadeposito sa Bank of the Philippine Islands, Julia Vargas branch sa Pasig City, ngunit sa kalaunan, inamin din ni Digong na mayroon siyang deposito sa nasabing banko.

Ito ang mga isyung labis pang makasisira sa kandidatura ni Duterte lalo na nga at bumagsak na ang bilang ng sumusuporta sa kanya sa Metro Manila at maging sa mga kabilang sa mas mataas na estado ng lipunan, dagdag ng Pulse Asia research director.

Ayon kay Tabunda, nawalan ng malaking bilang ng supporter si Duterte sanhi ng kanyang rape joke sa Australian missionary na si Jaqueline Hamill na ginahasa at pinatay sa hostage-taking incident sa Davao prison noong 1989.

Nabawasan din siya ng 3 percent sa kanyang baluwarteng Mindanao (61 percent patungong 58 percent). At sa iba pang socio-economic classes, nawalan ng 10 percent si Duterte mula sa Class ABC (47 percent to 37 percent) at 3 points mula sa Class E (34 percent to 31 percent).

Samantala, bigla namang tumaas ang pagsuporta ng mga taga-Metro Manila kay Poe. Pumalo ito ng 26 percent mula sa dating 22 percent.

Para kay Tabunda, mas mabilis mag-react ang mga taga-Metro Manila tungkol sa mga isyu kaya mahirap mapigilan ang pagbagsak ng suporta nila kay Duterte.

Gumamit ang survey ng face-to-face interviews ng 4,000 respondents at mayroong sampling margin error na plus or minus 1.5 percent para sa nationwide results.

Mayroon margin of error ang Metro Manila ng plus or minus 4.6 percent.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *