ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG mga Pinoy na mahilig sa beauty contest ay dapat abangan ang pelikulang “All About Her” na entry sa 8th Sinag Maynila Independent Film Festival.
Mula sa pamamahala ng award winning director na si Joel Lamangan, ang All About Her ay isang drama-thriller movie tungkol sa hiwagang bumabalot sa pagkamatay ng isang beauty queen. Tampok dito sina Yuki Sonoda, Kelley Day, at Tony Labrusca.
Ang pelikula ay sumasalamin sa mga tunay na kaganapan sa mga beauty contest na interesadong-interesado lagi ang mga Pinoy. Karamihan ng mga elementong nangyayari sa mga beauty contest ay makikita rito, tulad ng dayaan, gamitan, exploitation, at iba pa.
Aminado ang half-Japanese at half-Pinay na si Yuki na nakaka-relate siya sa kanilang pelikula at naniniwala siyang maraming mae-engganyong manood nito.
Aniya, “Napaka-fulfilling po sa pakiramdam na ang All About Her ay napili para sa Sinag Maynila Film Festival.
“Very intriguing po ang story nito at naniniwala ako na maraming mae-engganyong manood, lalo na’t umiikot sa mundo ng beauty queens ang movie. Isang bagay na talagang mahal na mahal ng mga Filipino.”
“May parts po na nakaka-relate ako, especially sa pressure at determination. Pero gusto ko pong linawin na opposite po ako sa character ko ritong si Isabella sa totoong buhay. Wala po akong ginawang masama para manalo ng title. Mas intense at mas ambitious po talaga ‘yung character ko compared sa tunay kong personality,” nakangiting dagdag ni Yuki na naging 2nd runner up sa Miss Universe Japan 2020 at Miss Supranational Japan 2024.
Sabi naman ng Miss Eco International 1st Runner Up 2021 na si Kelley, “Nakaka-relate ako sa story, because ‘yung first pageant ko na Miss World Philippines, I was actually competing with one of my best friends at the time. So, she ended up winning the crown and ako ‘yung first runner-up… so, super nakaka-relate.
“But I guess, like Yuki said, it’s competition so kahit friend mo, you’re fighting for the same crown. But there are ways to do it with respect, class and honesty. So, makikita n’yo po sa film namin na there are different approaches that people take…
“Iyon ‘yung gusto ko talaga sa movie, it’s not just about the competition, the crown… Like, you’ll see a lot of things about friendship, relationships, insecurities, struggles and that’s what I like how the film was written.”
Tampok din dito sina Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, Pancho Magno, at Jim Pebanco. Hatid ng 3:16 Media Network, ito’y mula sa screenplay ni Quinn Carrillo. Executive-producers dito sina Ms. Len Carrillo, Melanie Uy, Mike Lazo, at Jharvis Ong.
Ang Sinag Maynila ay mapapapanood sa mga piling sinehan sa Metro Manila mula March 23-29, 2026.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com