RATED R
ni Rommel Gonzales
PHENOMENAL ang muling pag-arangkada ng career ng Sexbomb Girls, pruweba ang limang sunod-sunod na successful reunion concert series nila kamakailan.
Misis ni Bulacan Vice-Governor Alex Castro ang isa sa mga miyembro ng Sexbomb girls na si Sunshine Garcia kaya kinumusta namin kay VG ang tungkol sa kanila ni Sunshine.
“Ayun, mag-asawa pa rin,” ang umpisang pagbibirong sabi ni VG Alex.
Maraming bilib kay VG Alex sa todo niyang suporta kay Sunshine at sa buong Sexbomb girls sa napaka-successful na concert series ng grupo na inabot na ng limang repeat performances.
Sa mga nag-viral na videos, kitang-kita si Alex na nasa audience during the concerts, na bini-video ang concert at proud na proud sa kanyang asawa na todo ang kanta at hataw sa pagsasayaw.
“Una, Happy Women’s Month sa lahat ng mga babae! So, napag-uusapan naman ‘yung misis ko kasi nakita ko kung paano nagsimula ‘yung kanilang concert, na pinlano nila, tapos inaalok sa mga producer walang mag-produce.
“Tapos parang, ‘Sige, tayo-tayo na lang!’
“So nag-usap-usap silang mga girl, kung sino ‘yung may kaya nagbakas-bakas, hanggang sa heto na, malapit na ‘yung, nakapagpa-schedule sila sa Araneta [Coliseum], iyon pala hindi puwedeng walang lisensiya.
“So hanap na naman sila, kasi may December na silang schedule sa Araneta, nakapag-down na sila hindi pala puwedeng mag-concert ang walang license.
“So hanap pa sila mabuti may nahanap silang ka-partner iyon ang nagpo-produce sa kanila.
“Tapos nakita ko rin ‘yung journey na iyon, ‘yung iba may trabaho na sa ibang bansa, si Sunshine ay housewife at nag-aalaga ng aming pamilya, nagsama-sama ulit!”
Kuwento pa ni VG Alex, hindi na Sexbomb si Sunshine noong maging girlfriend niya ito.
“Alam ko na sobrang sikat sila, kasi siyempre sikat sila noong time na iyon.
“Pero 20 years ago, ganoon na katagal. So, hindi ko na sila nakitang buo. Nakikita ko sila na magkakasama sa mga kunwari party, pero hindi sila nabubuo.
“Tapos noong nakita ko na nga ‘yung concert, nakita ko actually sa totoo lang nakita ko ‘yung saya sa asawa ko, nakita ko kung gaano siya ka-happy.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com