Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Glenda Dela Cruz Brilliant Skin Essentials

Brilliant Skin Essentials ni Miss Glenda kinilala bilang 2025 Top Employer of the Year ng Morong, Rizal

HINIRANG ang Brilliant Skin Essentials Inc., na pagmamay-ari ng skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, bilang 2025 Top Employer of the Year ng Munisipyo ng Morong, Rizal.

Tinanggap ni Miss Glenda ang plake ng pagkilala na pirmado ni Mayor Sidney B. Soriano noong Marso 13 sa isang seremonya na ginanap sa Comandancia Building sa Morong.

Bukod sa parangal na ito, kinilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. bilang Top 3 Outstanding Business Taxpayer of the Year at Top 4 Highest Real Property Taxpayer of the Year.

Samantala, ang isa pang negosyo ni Miss Glenda na Pink Ladder Construction and Development OPC ay kinilala bilang Top 14 Outstanding Business Taxpayer of the Year.

Sa kanyang pahayag sa naturang seremonya, sinabi ni Miss Glenda na espesyal ang parangal dahil ito ay nagmula sa bayan na kinalakihan niya.

Hindi po ito basta-bastang parangal para sa akin, dahil ito po ay galing sa Morong, ang bayan na pinagmulan ko. Ang lugar na kinalakihan ko. Ang lugar na nagbigay sa akin ng lakas ng loob, kahit noong mga panahong hindi pa ako gaano kakilala,” wika niya.

Sa kasalukuyan, may mahigit 1,000 empleado ang Brilliant Skin Essentials sa buong bansa, at mayroon na rin itong malawak na network ng mga franchisee at distributor sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ngayon, mahigit 1,000 empleado na ang bahagi ng Brilliant Skin Essentials sa buong Pilipinas. Mayroon na ring libo-libong franchisee at distributor na nagtitiwala sa aming brand. At sa likod ng bawat isa sa kanila ay mga pamilyang umaasa at nabubuhay dahil sa oportunidad na ibinibigay ng Brilliant Skin Essentials,” giit niya.

Ayon kay Miss Glenda, ang pagkilala sa Brilliant Skin Essentials bilang top employer ng Morong ay sumasalamin sa mga taon ng pagsusumikap, determinasyon, at sakripisyo.

Kaya para sa amin, ang pagiging Top 1 Employer ng Morong ay hindi lang numero o titulo. Ito ay bunga ng pangangarap, pagsusumikap, at sakripisyo,” wika pa niya.

Naghahanda rin ang kompanya na ipagdiwang ang ika-10 anibersaryo nito ngayong taon, isang mahalagang yugto na ayon kay Miss Glenda ay nagpapakita ng tiyaga at pagpupursige sa pagbuo ng brand sa kabila ng mga hamon na kanyang pinagdaanan.

Tiniyak din niya na patuloy na magbabalik ang kompanya ng tulong at oportunidad sa komunidad na nagsimula ang tagumpay.

Ang tagumpay ng Brilliant Skin ay tagumpay din ng Morong. Habang patuloy kaming lumalago, hindi namin kailanman makalilimutan kung saan kami nagsimula,” sabi pa niya.

Pinasalamatan naman ni Miss Glenda ang lokal na pamahalaan at ang mga mamamayan ng Morong sa kanilang patuloy na suporta, at sinabing malaking karangalan ang pagkilalang ito para sa kanya at sa buong pamilya ng Brilliant Skin Essentials.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Sparklo Reverse Vending Machines

SM Introduces Sparklo Reverse Vending Machines to the Philippines for the First Time Ever

SM Supermalls and Sparklo executives formalize their partnership during the official launch of Sparklo’s reverse …

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …