I-FLEX
ni Jun Nardo
OPISYAL nang diborsyada si Ai Ai de las Alas sa asawang si Gerald Sibayan ayon sa report na lumabas sa pep.ph.
Single na uli si Ai Ai. Pangarap pa kaya niyang mag-asawa? Gusto ba ninyo?
Wala talagang suwerte sa pag-ibig si Ai Ai. Nakailang asawa na ba siya?
Sina Miguel Vera at Gerald ang opisyal niyang naging asawa. Unlike Gerald, mas kasundo ng komedyana si Miguel na mayroon silang anak.
Teka, nasaan na kaya si Gerald ngayon?
Naku, umibig mang muli si Ai Ai, wala tayong magagawa dahil single and available naman siya, huh! Walang basagan ng trip!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com