RATED R
ni Rommel Gonzales
NAGKUWENTO ang beteranang aktres na si Ms. Boots Anson-Rodrigo tungkol sa minsang pag-uusap nila ng husband niyang si Atty. Francisco “King” Rodrigo, Jr. sa topic ng pagpanaw o pagkamatay.
Lahad ni Ms. Boots, “In fact, ano ito, detalye ito.
“When my husband King and I got married, shortly after marriage in 2014, ganito ang usapan namin when we were talking about the inevitable.
“I suggested, ‘King, if I go ahead,’ kasi in our age, hindi ka bibilang ng taon, you don’t know when that will come.
“Kaya sabi ko sa kanya, ‘If I go ahead, isauli mo ako kay Pete, my first husband. Dalhin mo ako roon sa columbarium where he’s brought in.”
Ang first husband ni Ms. Boots ay si Pete Roa na pumanaw noong August 2007.
“And it is not for me but for my children. Kasi, maganda siguro sa kanila ‘yung pagdating ng panahon magkasama pa rin kami ng tatay nila,” pagtukoy naman ng aktres sa apat nilang anak ni Pete.
“Although, sabi nila, kapag nasa langit ka na, hindi na… wala ka nang kakilala talaga.
“And conversely, agree agad si King, ano. Sabi niya, ‘Yeah, why not, ‘no? That sounds very solid.
“So, conversely, kung siya naman ang mauna, ibabalik ko siya roon sa first wife niya, the late Olga Sy-Yap. Ang ganda niyong agreement namin.”
Pero pagbibiro ni Ms. Boots, “Biglang naisip ko, ‘Eh paano kung sabihin nilang dalawa, ni Pete at ni Olga, ‘Hello, no return, no exchange!'”
Aminado si Ms. Boots na napakahirap ang pagkawala ng una niyang asawa.
“Siguro ‘yung pain or loss. Naranasan ko ‘yun when my late husband, my first husband, Pete, passed on.
“’Yun na siguro ‘yung agape love na hindi conditional.
“Hindi humihingi ng kapalit. And this was the kind of love that I learned too kay Pete.
“In fact, I didn’t look for anyone else when my husband died.
“I think fate, destiny, brought me to my second marriage which I am so thankful for.
“Kasi, parang marriage made in heaven ito. It is not a perfect marriage, of course.
But it is something I know makes me very fulfilled.”
Samantala, palabas na sa February 25 ang Until She Remembers sa panulat at direksiyon ni Brillante Mendoza at mula sa executive producer na si Wilson Tieng.
Mula sa Center Stage Productions at Solar Studios, Inc..
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com