Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arabelle Dela Cruz Veiled Cup

Arabelle Dela Cruz ng Pilipinas wagi sa Veiled Cup sa Korea

MATABIL
ni John Fontanilla

WAGI ang representative ng Pilipinas na si Arabelle Manalo Dela Cruz aka Laguna Diva sa katatapos na Veiled Cup na ginanap sa Seoul, South Korea noong February 1, 2026.

Tinalo nito ang iba pang mga representative mula sa Asian Countries, maging ang dalawa pang naging representave ng Pilipinas na sina Garette Bolden at Thea Ashley na maagang namaalam sa kompetisyon.

Sa grand finals ay inawit nito ang kanta ni Michael Buble na Feeling Good at napabilib nito ang mga hurado sa ganda at husay ng pagkakanta sa nasabing awitin.

Post nga nito sa kanyang Facebook account:

Pilipinas, panalo tayo! 

“Unang una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Panginoon na biniyayaan Nya ako ng buhay at talentong naibabahagi ko sainyo ngayon. 

“Maraming salamat sa pamilya ko na nandyan magmula ng mag umpisa ako hanggang ngayon at walang sawang sumusuporta sa mga nais ko sa buhay. Mahal na mahal ko kayo! 

“Sa mga kaibigan ko at mga taong sumusuporta sa akin, hindi ko man kayo maisa isa, lubos akong nagpapasalamat dahil ipinaramdam nyo sa akin na hindi ako nag iisa. Lalo na sa labang ito. 

“Marami na akong nasalihan na kompetisyon sa buhay ko, karamihan pa roon ay hindi pinalad. Pero maraming naging aral sa akin lahat ng napagdaanan ko na yun. I am always grateful. And I will always be. Dahil hindi ako magiging si Arabelle ngayon kung hindi nangyari lahat ng yun. 

“Mula sa batang nangangarap na marinig ng lahat, nabigyan na sya ng panahon ngayon! 

“Hindi ko lang panalo ito. Para ito sa lahat ng taong nagtitiwala sa akin at nangangarap na katulad ko! Mahal ko kayo!

“Ako si Arabelle Manalo Dela Cruz aka Laguna DivaVeiled Cup 2026 Grand Champion 

#ArabelleDelaCruz #LagunaDiva #VeiledCup.”

Ang kauna-unahang  international edition ng South Korean singing competition, ang Veiled Cup ay  inorganisa ng Seoul Broadcasting System (SBS), hosted by Lee Da-hee at ang Pilipinas ang unang nagwagi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …