PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, kahapon, Huwebes, January 29, 2026, sa edad na 89.
Kinompirma ito ng isa sa pitong magkakapatid na Barrerro na si Joaquin “JJ” Barretto sa pamamagitan ng isang social media post.
“Rest in peace, Mom. I love you,” ani JJ sa kanyang ina kalakip ang larawan ng nakasinding kandila na may black background.
Noong Miyerkoles, January 28, nagbahagi si JJ ng larawan ng ina habang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Saint Luke’s Medical Center sa Taguig.
Kasama ni JJ sa naturang post si Claudine at may caption iyong, “Get well, Mom [praying emojis].”
Wala pang pahayag kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ni Mommy Inday ngunit base sa interview noong September 2024 kay Claudine, sinabi nitong may lupus ang ina.
January 27 nang ibinahagi ni JJ na ililipat ang ina sa ICU dahil hindi bumubuti ang lagay nito.
“Mom will be transferred to the ICU later, it’s not good,” ani JJ.
Kahapon, ibinahagi ni Claudine ang video na nag-uusap sila ng kanyang ina. May caption iyong, “Mommy We’re gonna be okay i promise!”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com