Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian E. Salceda na nakahain na sa Kamara at naglalayong burahin na ang ‘Estate Tax’ sa Pilipinas.
Pinagtibay kamakailan ng Cebu Sangguniang Panglusod ang ‘Resolution No. 17-2053-2026 nito kung saan sinabi nito na ang ’estate tax’ o buwis sa mga ari-ariang naiiwanan sa pamilya ng mga namatay ay “walang kabuluhan at pabigat lamang” sa mga naulila ng mga namatay.
Binigyang diin ng ‘Resolution’ ang “irony” o walang katuturang ‘estate taxes’ sa mga naulilang pamilya sa panahon pa man din ng kanilang pagdadalamhati. Pinuna din nito na “nagsisilbing parusa lamang ito pati sa mga pumanaw na masugid namang sumunod sa batas at nagbayad ng kanilang buwis nang sila’y buhay pa at parurusahan lamang ang kanilang pamilya na pag-iiwanan ng kanilang ari-arian.”
Nauna nang pinatuunan ng pansin ni Rep. Salceda ang saloobing ito. “Kapag namatay ang isang magulang, may panahon ba talaga ang kanyang mga naulila para sa mga baga o usaping may kinaalaman sa buwis nilang kakaharapin?,” tanong niya. Tinawag niyang “’tax on grief’ o buwis sa pagdadalamhati” ang ‘estate tax’ ng pamahalaan.
“Kapag nagdadalamhati ang pamilya, kailangan nila ng katahimikan at espasyo upang makabawi, hindi alalahanin sa babayarang buwis dulot ng kamatayan ng yumao,” madiin niyang sinabi.
Pinuna din ng Cebu City Sanggunian na “lalong pinarurupok lamang ng ‘estate tax’ ang dignidad ng nagdadalamhating mga pamilya na kailangang makipagbuno pa sa masalimuot na burokrasiya ng gubiyerno sa panahong kailangan nila ang paghilom at makabuluhang mga ala-ala.”
Sa ilalim ng panukalang HB 6553 ni Salceda, tuluyan nang buburahin ang ‘estate tax’ at ang buwis sa naiwang ari-arian ng yumao bubuwisan lamang kapag ipinagbili na ito, sa pamamagitan ng isang “Deferred Succession Component” na idadagdag sa ‘capital gains tax.’
Ayon sa mambabatas, sa pamamaraang ito, matitiyak na na may pambayad na ang pamilya sa oras na ipinagbili ang naturang ari-arian, Idinagdag din niya na sa ilalim ng pinaiiral na sistema, higit na malaki ang nagagawa sa ekpnpmiya kaysa halaga ng buwis na nakukuha rito. “Ang taunang ‘estate tax collection’ ng BIR ay umaabot lamang sa P14 bilyon, kaya higit na malaki ang nalilikhang kalugihang nito,” giit niya.
“Sa kasalukuyang sistema, hindi agad naililipat ang mga titulo kaya nananatiling nakabitin ang mga ari-arian, at hindi rin ito maipasok sa transaksiyon ng banko dahil wala sa ayos ang mga papeles,” dagdag niya.
Sa tantiya ng tanggapan ni Salceda, aabot sa P78 bilyon ang taunang kalugihan ng bansa, o higit na 500 porsiyento ng maaring koleksiyon ng bubiyerno dulot ng pagka-antala ng ma ‘estate transfers’ na ito.
Tinawag ng Cebu City Sanggunian na ‘pro-poor reform’ o maka-mahirap na reporma ang kanilang resolusiyon at binigyang diin na malaking pabigat sa mga karaniwang pamilyang Pilipino ‘estate tax.’ “Madaling ayusin ng mayayaman ang kanilang mga ari-arian sa pamamagitan sarili nilang mga korporasiyon o kumpanya, isang bagay na mahirap magawa ng karaniwang mga pamilya,” sabi nila.
Sinabi rin ng Sanggunian na “maraming karaniwang mga pamilya ang napipilitang ibenta ang bahagi ng minana nilang ari-arian para makabayad lang ng ‘estate tax’ na nagiging dahilan ng pagka-lugi, nasasayang na kita sa buwis ng pamahalaan at pagka-hiwalay ng mga pamilya sa dati nilang mga ari-arian.”
“Nagpapasalamat ako sa Pamahalaang Lungsod ng Cebu at mga Cebuano. Ang Cebu City ay itinuturing na pinakamalaking ekonomiyang lokal, kasunod ng Manila at mahalaga ang boses nila kaugnay sa usaping ito,” sabi ni Salceda.
Suportado rin ng media ang pagsulong sa pagbura ng ‘estate tax.’ Sa isang editoryal ng Manila Times noong Disyembre 2025 na may pamagat na “Remove the death tax now” o Tanggalin na ang Buwis sa Kamatayan, tinawag nitong “simpler and more humane” o higit ns simple at makatao ito kaya nanawagan din ito ng mabilisang aksyon sa usapin.
Nagkamali ang orihinal na ‘Cebu City Council resolution, nang sinabi nilang ang panukalang HB 6553 ay akda ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na dating ‘chairman’ ng ‘House Ways and Means Committee,’ at amain ni Rep. Adrian E. Salceda.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com