MATABIL
ni John Fontanilla
MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si Christophe Bariou.
Sa vlog ni Vice Ganda na naging espesyal na panauhin si Nadine ay napag-usapan ang lovelife ng aktres.
Tsika ni Nadine, “Feeling ko naman siya ang Prince Charming ko. Sana.”
At if ever nga na maghihiwalay sila ni Christophe ay wala nang balak magkadyowa pang muli si Nadine.
“Sabi ko sa kanya kapag nag-break pa tayo, hindi na ako magdyodyowa.
“Kasi parang kung hindi pa siya iyon. Feeling ko kasi sobrang okey na siya para sa akin.
“Hindi man siya perfect pero para sa akin sobrang okey na siya and perfect na siya for me.”
Sa ngayon ay happy si Nadine sa lahat ng aspeto ng buhay, happy ang kanyang pamilya at lovelife, okey ang kanyang business, at bongga ang kanyang career.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com