MATABIL
ni John Fontanilla
NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa mga isyung kinasasangkutan nito lately.
Ayon kay Jaime sa naganap na cast reveal at story conference ng Wattpad series na My Husband Is A Mafia Boss na isa ito sa cast na iniintindi niya na lang ang kanyang ama dahil mahal niya ito and at the end of the day, tatay pa rin niya si Anjo.
“‘Yung tatay ko kasi, at the end of the day, he’s my Dad.
“Siyempre, may trabaho siya, wala, Tatay ko siya, mahal ko siya.”
Dagdag pa ng anak, “Kailangan ko na lang na intindihin siya na ganoon siya. Bigyan siya ng advice. Kasi siyempre, mga kaibigan niya rin ang pinag-uusapan. Medyo kontrolado na rin niya.”
At kahit nga alam nitong kahit anong mali ng kanyang ama ay iniintindi na lang nito, dahil kung hindi sa kanyang ama ay wala siya sa mundo. “Kahit anong mali ang gawin niya, natuto akong pagbigyan siya.
“Siyempre, I wouldn’t be here without him.”
At dahil parang magkapatid at bestfriend ang turingan nilang mag-ama, nagagawa niyang bigyan ng advice.
“Well, honestly, parang magkapatid nga kami. Para kaming mag-bestfriend. Nasasabi ko lang sa kanya na ‘Alam mo, minsan kasi sa buhay kailangan you keep things private.’
“Like siyempre, artista tayo or in the spotlight, but some things need to be in private.
“Hindi naman lahat kailangan sabihin sa media na, ‘Hoy ganito ako, ganyan ako,” ani Jaime.
Anyway ang My Husband Is A Mafia Boss ay pinagbibidahan nina Joseph Marco and Rhen Escan̈o na mapapanood sa Viva One ngayong taon at ididirehe ni Fifth Solomon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com