MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December 29 sa Manggaan Santol, La Union.
May 250 ang dumalo at bawat isa ay excited na magbahagi ng mga kuwento sa kaganapan sa kanya-kanyang buhay.
Sabay-sabay na nagkainan, sayawan, inuman, kantahan at lahat ay game na game sa mga palaro at nag-enjoy sa mga napanalunan sa raffle.
Nagsilbing host ng masayang araw na iyon ang Barangay LSFM 97.1 DJ na si Janna Chu Chu kasama sina Jett Obaldo Castillo at Jessan Murillo.
Ang Fontanilla & Orin̈a family reunion ay isinakatuparan sa pagtutulungan nina Susan Fontanilla Murillo, Lorna Fontanilla Pastrana, Jocil Fontanilla Victore, Josefa Victore Fabro, Nestor Fontanilla Obaldo, John Fontanilla, at ang mga Millennial at Gen Z na sina Scharlette Princess Oriente, Bryce Eah, Caroline, April Joy, Luiz, Rosa Mae, John Manuel Obaldo, Lyra Amadeo Obaldo, PriscaLy Ann Obaldo Castillo, Jeizelle Ann, Angelica Shane, Mariane, Jan, Daniel Rillera, Nexor Ian, James John Castillo, John Lloyd Oriente, Ian Oriente, Kevin Dreik Oriente, John Lloyd Oriente, Paul, Ian Gabriel, Vince Lee, Angelo, Jammy, Sheryl, at Shane.
At sinuportahan nina nina Cecille & Pete Bravo (Intele Builders and Development Corporation), Paolo Ballesteros, Pasig Councilor Angelu De Leon, Jos Garcia and Atty. Patrick Famillaran, Atty. Rey Bergado (InnerVoices), Jun Miguel (Talents Academy), Joey Austria and RS Francisco (Frontrow).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com