AFTER mapanood sa “Manila’s Finest” na entry sa 2025 Metro Manila Film Festival ng MQuest Ventures and Cignal, tuloy sa paghataw ang showbiz career ni Pearl Gonzales.
Isa si Pearl sa casts ng Pinoy adaptation ng “The Good Doctor” na mapapanood na very soon sa TV5.
Tampok sa The Good Doctor sina Inigo Pascual, Mylene Dizon, Jeffrey Tam, Tony Labrusca, Ryan Agoncillo, Gelli de Belen, at iba pa.
Kuwento sa amin ng aktres, “I’m also one of the casts ng The Good Doctor. Isa ako sa resident surgeons doon na friend ni Inigo Pascual and ang name ng role ko is Doktora Catherine Alexandria. Ang nickname niya ay si Dr. Cara.”
Ang ilan pa sa ginawa niyang projects noong nagdaang taon ay ang “I See You” kasama sina Dimples Romana, Joem Bascon, Cedrick Juan, and Zion Cruz. Kasama rin sa naging projects niya ang Boys Love Triangle series ng Cignalplay app, directed by Bobby Bonifacio Jr.
Parehong kontrabida ang role rito ng aktres, kaya binasagan si Pearl bilang Bida-Kontrabida Queen ng TV5.
Ano ang reaction niya sa bansag sa kanyang ito?
Tugon ng aktres, “Actually nagulat ako nang nadinig ko iyan noong promo ng I See You, kasi wala akong idea na may ganoon na pala. Hahaha!”
Nabanggit din ni Pearl na nacha-challenge siya sa kontrabida role.
Aniya, “Yes po, medyo, pero nasasanay na rin ako. Mas nae-enjoy ko rin po maging kontrabida lalo na kapag nalalaman ko na yung back story at bakit siya naging villain. Kapag ganoon, talagang nakaka-excite nang gawin iyong kontrabida role.”
Sinabi rin ng aktres ang peg niyang kontrabida.
“Ang peg kong kontrabida ay sina Eula Valdez, Dina Bonnevie and Angelica Panganiban. Kasi kapag gumanap sila, talagang makapigil-hininga and I can say na totoong tao sila on and off cam, by their auras,” pakli pa ni Pearl.
Ipinahayag ni Pearl na happy siya sa takbo ng kanyang career dahil finally, ang mga pangarap niya at ipinadarasal ay nagkaakroon na ngayon ng katuparan.
Aniya, “Happy ako and masasabi kong hataw ang career ko this 2025 kasi, humataw din naman ako sa mga paghahanda and auditions. Hindi naman iyan parang nakuha mo lang na may shortcut. Siyempre po ay pinaghirapan namin itong lahat.
“Sa 2026, siyempre ay ipinagdarasal din namin na humataw pa nang humataw, lalo na regular itong The Good Doctor project.”
Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang acting career?
“Ang wish kong mangyari sa acting career ko this year, siyempre po, aside sa dumami ang trabaho ko, iyong makilala iyong talento ko. Hindi lang yung pangalan na Pearl, kundi iyong talento na marunong siyang umarte, kaya niyang umarte, mabuti siyang katrabaho…
“Hindi naman sa itinataas ko ang bangko ko, mahal ko lahat ng katrabaho ko, lahat ng mga boss ko…
“So iyon, wish ko lang na magbunga na siya nang sobrang ganda… na parang lahat ng kagaya kong artista na nasa position ko na nangarap noon is… Siyempre iyong makilala at hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa po tito, na talagang sana ay magsunod-sunod ang mga trabaho dahil kailangan din naman natin ang pera,” nakatawang sambit pa ng magandang aktres.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com