Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB


PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin ng bagong Board Member, noong Martes, Disyembre 16, 2025, sa MTRCB Liezl Martinez Hall, Quezon City.

Nanumpa si Nestor Cuartero, isang beterano at multi-awarded na mamamahayag na may ilang dekadang karanasan sa industriya ng media. Naging guro ng mahigit 20 taon sa Department of Communication and Media Studies ng Faculty of Arts and Letters ng University of Santo Tomas.

Dala niya sa MTRCB ang malawak na karanasan at kaalaman sa operasyon ng mga sinehan at ugnayan sa industriya ng pelikula.

Tiwala si Sotto na ang bagong miyembro ay magbibigay ng mahahalagang pananaw at higit pang magpapatibay sa mandato ng ahensiya.

Kompiyansa akong makatutulong sila sa aming mandato lalo na pagdating sa pakikipagtulungan sa industriya, at mapataas pa ang tiwala ng publiko,” ani Sotto. “We thank President Ferdinand R. Marcos, Jr. for entrusting the MTRCB with leaders who bring integrity, expertise and a deep understanding of the media and film industry.”

Noong Miyerkoles naman ay nanumpa rin si Maria Rosario Garcia Fabregas bilang bagong Board Member din ng MTRCB.

Batay sa appointment papers na nilagdaan ng pangulo noong Martes, Disyembre 2, agaran silang pinagsisimula sa trabaho basta’t makapagsumite ng kopya ng kanilang panunumpa sa tanggapan ng pangulo at sa Civil Service Commission.

Si Fabregas ay batikang mamamahayag at may dekadang karanasan sa pagbabalita at komunikasyon.

Inaasahang mas palalakasin ng kanilang mga kakayahan sa pagbuo ng kwento at mga propesyonal na pamantayan sa media ang kapasidad ng Ahensya sa pagbibigay ng angkop na klasipikasyon sa pelikula at telebisyon, lalo na sa lumalawak na impluwensiya ng modernong teknolohiya.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Sotto sa mga bagong Board Member at binigyang-diin ang halaga ng kanilang kontribusyon sa mandato at misyon ng MTRCB.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …