INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi ng 80-72 laban sa University of the Philippines sa Game 2 ng Season 88 Finals sa Smart Araneta Coliseum noong Miyerkules ng gabi.
Ito ang ikatlong sunod na season na nagharap ang dalawang koponan sa finals. Nagwagi ang Green Archers sa Season 86, habang nakuha naman ng UP ang titulo noong Season 87.
Pinangunahan ng graduating na si Mike Phillips ang koponan sa kanyang 25 puntos at 18 rebounds. Siya rin ang Finals MVP.
Nag-ambag si Mason Amos ng 11 puntos, apat na assists, tatlong rebounds, at tatlong blocks, habang nagtala naman si Vhoris Marasigan ng 10 puntos at dalawang steals para sa La Salle, na humawak ng 76-69 na kalamangan may 31 segundo na lang sa laro.
Si Jacob Cortez ay may siyam na puntos, limang rebounds, tatlong assists, at dalawang steals.
Sa panig ng UP, nagtala si Rey Remogat ng 21 puntos, kabilang ang isang three-pointer na nagbigay sa Fighting Maroons ng bentahe na 67-64 may 4:09 na lang sa fourth quarter.
Si Remogat, na may tatlong rebounds, dalawang steals, at dalawang assists din, ay nakapuntos ng dalawang free throws upang bigyan ang UP ng huling lamang nito sa 73-72 may 1:05 na natitira.
Nag-ambag si Francis Nnoruka ng 16 puntos at 15 rebounds, habang nagdagdag si Reyland Torres ng 11 puntos.
Nanalo ang De La Salle sa Game 1, 74-70, bago bumawi ang UP sa Game 2, 66-63. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com