I-FLEX
ni Jun Nardo
GUMAWA ng history ang Nathan Studios sa Metro Manila Film Festival dahil sa official entry nito ngayong I’m Perfect!
Sinugalan ng producer na si Sylvia Sanchez ang pelikulang tungkol sa may down syndrome at sila mismo ang bida kasama ang iba pang may DS, huh!
Matagal na ang kuwentong ito ni direk Sigrid Andrea Bernardo. Pero walang nangahas na isalin ito sa big screen until heto na si Sylvia at buong pusong ginawa ang movie.
So, noong iprinisinta sa press ang cast at bida ng I’m Perfect, nakatutuwa silang tingnan na dama ng lahat ang excitement na artista na sila! Naiyak pa nga ang lead stars dahil sa overwhelmed sila sa pagtanggap ng media.
Pati nga ang senior stars na kasama nila sa movie gaya nina Lorna Tolentino, Janice de Belen, Joey Marquez, Sylvia at iba pa eh hindi naitago ang emosyon bilang paghanga sa mga may down syndrome.
Iisa lang ang perception karamihan sa may Down Syndrome. Pero ipakikita at madarama sa movie na tao rin silang may puso at damdamin, nagmamahal, nasasaktan.
Hindi man big stars o superstars ang bida na sina Earl Amaba at Krystel Go, maipararating nila sa lahat ang mensahe ng I’m Perfect na hindi mahirap mahalin ang mga taong may Down Syndrome.
Bongga kapag naging top grosser ang I’m Perfect, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com