Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG
ANG tambalang rowers na sina Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sumunggkit ng ika-26 na gintong medalya ng Pilipinas sa 2025 Southeast Asian Games. (POC Media pool photos)

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan at nasungkit ang ika-26 na gintong medalya ng Pilipinas sa 2025 Southeast Asian Games sa ginanap na karera sa Royal Thai Navy Rowing and Canoeing Training Centre dito nitong Martes, Disyembre 16.

Matapos pumangatlo sa preliminary round, ibinuhos ng Filipinang tandem ang kanilang pinakamagaling na performance sa finals, nagtala ng oras na 8 minuto at 16.976 segundo, upang pigilan ang mga lokal na pambato na sina Sukkaew Rawiwan at Chaempudsa Parisa sa pagdaragdag pa sa napakalaking medal haul ng Thailand.

Halos limang segundo ang naging lamang nina Delgaco at Paraon laban sa mga Thai, na nagtapos sa oras na 8:21.634.

Pumangatlo naman para sa bronze ang Vietnam duo na sina Nguyen Thi Van Anh at Pham Thi Bich Ngoc na may oras na 8:26.447.

“Iniisip po namin kagabi, nakikita po namin na parang pahirapan pa po ‘yung bronze eh. Pero sabi ko sa sarili ko noong bago ako matulog kagabi, grabe talaga ‘pag si Lord na ‘yung gumalaw talaga. Walang imposible talaga,” sabi ni Delgaco.

Naging susi sa kanilang panalo ang tiwala nila sa isa’t isa, kung saan ang mas batang si Paraon, 23 taong gulang, ay umasa sa 27-anyos na si Delgaco, ang kauna-unahang babaeng Pilipinang rower na nagkuwalipika sa Olympics.

“Hindi po namin ine-expect ‘tong gold namin po kasi malalakas din po ‘yung mga kalaban namin,” sabi ni Paraon. “Pero tiwala po talaga sa isa’t isa at saka alam naman po namin ang mga pinagdaanan po naming training at sobrang salamat ko po kasi si ate Jo po ‘yung naging lead ko. Isa rin po siya sa inspiration ko na isang rower, naging isang rower din po ako.”

Nag-alala si Delgaco kung kakayanin pa ba niya matapos ang mahabang pahinga kasunod ng kanyang pagsali sa 2024 Paris Olympics.

Sumabak siya sa military training sa Philippine Navy at nakabalik lamang sa kompetisyon dalawang buwan na ang nakalipas, kung saan ang Asian Rowing Championships sa Vietnam noong Oktubre ang una niyang torneo matapos ang Olympics.

Gayunman, naging dominante sina Delgaco at Paraon mula simula hanggang matapos ang 2,000-metrong karera, nakakuha ng mahigit isang segundong kalamangan laban sa Thailand matapos ang unang 500 metro at napanatili ang liderato hanggang dulo.

“‘Yung nangyari po ngayong race, hindi ko na po inisip ‘yung pagkukulang ko sa mga training, dinaan ko na lang po talaga sa tiwala sa sarili, tiwala sa partner, and thankful din po ako dahil ‘yung family ko po nasa finish line. ‘Yun din po ‘yung naging inspirasyon ko sa start pa lang ng race hanggang dulo,” sabi ni Delgaco, na nasaksihan ng kanyang ama na si Bernardo ang kanyang tagumpay.

Isa pang Olympian ang nag-ambag ng medalya matapos masungkit ni Cris Nievarez ang bronze sa men’s single sculls.

Si Nievarez, na kumatawan sa bansa sa Tokyo Olympics noong 2021, ay nagtala ng oras na 8:22.121, sa likod ng Indonesia’s Memo (8:10.247) at Thailand’s Wattananusith Premanut (8:15.827). (POC Media Pool)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …