SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila Estrada.
Viral ang videos and photos nina Daniel at Kaila na magkasamang nanood ng concert ng IV of Spadessa Mall of Asia Arena.
Spotted ang dalawa na sweet na sweet sa concert. Kumalat din ang photo na nakaakbay ang aktor sa rumored girlfriend at nakunan din ang paghalik ng binata sa pisngi ng aktres.
Caption ng isang netizen na nag-post “nagsimula nang mag PDA si Supremo may akbay at (kiss) pa talaga.”
Ilang buwan nang natsitsismis na may namamagitan kina Daniel at Kaila subalit hanggang ngayo’y walang pag-amin mula sa dalawa bagamat may ilang sightings na sa kanila simula pa October.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com