Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Justin Kobe Macario SEAG
NAKOPO ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast Asian Games matapos manguna sa men’s individual freestyle poomsae event ng taekwondo sa Fashion Island Shopping Mall sa Bangkok, Thailand nitong Miyerkules (Dec. 10, 2025). Nakapagtala si Macario, 23, ng 8.200 puntos upang manguna sa event laban sa lima pang kalahok. (POC Media Pool photo)

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast Asian Games dito nitong Miyerkules, matapos manguna sa men’s individual freestyle poomsae event ng taekwondo sa Fashion Island Shopping Mall.

Habang nag-uumpisa na ang aksyon sa halos lahat ng laban, nagtala si Macario, 23, ng 8.200 puntos upang manguna sa event laban sa lima pang kalahok.

“Nagulat din po ako na ako po ‘yung unang gold winner ng Pilipinas. Sobrang saya po dahil isang karangalan pong makauwi ng ginto para sa bansa,” aniya.

“Nag-prepare kami ng dalawang coach, sina coach Rani Ortega at Jeordan Dominguez. Ang focus po namin ay ibigay at i-perform kung ano po ‘yung matagal naming pinag-trainingan. At si Lord na po ang bahala kung ano ang ibibigay Niya sa amin. Sobrang thankful po ako at ibinigay Niya sa akin ang ginto,” sabi ni Macario, na humanga ang mga hurado sa routine niya na may kasamang multiple flips at iba’t ibang uri ng kicks.

Halatang tuwang-tuwa si Macario matapos makuha ang kanyang unang ginto at unang individual medal sa regional showcase, dagdag pa niya na sulit ang desisyon niyang laktawan ang parada ng atleta sa opening ceremony noong Martes.

“Kahapon po nag-training kami nang apat na beses bago sumalang dito at sinacrifice na namin na hindi pumunta sa opening para makapag-prepare nang maayos,” sabi ni Macario, na nagwagi rin ng silver at bronze sa mixed freestyle poomsae event noong 2021 at 2023 SEA Games.

Bagama’t nanalo na siya ng mga medalya sa Asian Championships at World Championships, sinabi niyang iba ang pakiramdam ng magwagi sa regional showcase.

“Ibang-iba rin po kasi halos lahat ng mga nagpo-podium sa World Championship at Asian Championship ay mula rin sa mga SEA Games countries,” aniya.

Nakuha ni Koedkaew Atchariya ng Thailand ang silver na may 8.100 puntos, habang si Ken Haw Chin ng Malaysia ang nakakuha ng bronze na may 7.740 puntos.

Sasali si Macario sa mixed team freestyle poomsae event mamayang Miyerkules ng hapon.

Mas maaga sa araw na iyon, nakuha ni John Derrick Farr ang bronze sa men’s downhill mountain bike event sa Chonburi.

Ang bronze ni Farr ang kauna-unahang medalya ng Team Philippines sa regional showcase. (PSC MCO/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …

Ping Lacson Bato Dela Rosa

Pagpataw ng parusa sa absenerong senador deadma kay Lacson

WALANG BALAK si Senador Panfilo “Ping” Lacson na makiisa o makisama sa mga taong nais …