Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Artista Salon

Dance group na sumikat nong 70s-90s magsasama-sama;  Artista Salon nagbagong bihis, pinasosyal

MAS pinabongga, mas pinasosyal. Ito ang bagong bihis na Artista Salon sa Panay Avenue, Quezon City na pag-aari nina Gio Anthony Medina, Margaret Gaw, at Lotis Reyes.

Kasabay ng kaarawan ni Gio ang ginawang relaunching ng Artista Salon noong Linggo kaya naman present ang ilan sa mga alaga at kaibigan niyang sina Jason Abalos, Mark Neumann, Sharmaine Arnaiz, at DJ Jhai Ho. Dumating din ang talent manager/host na si Ogie Diaz.

Ayon kay Gio, mahilig silang tumambay ng kanyang mga alaga hanggang sa dumami na ang mga ito. 

“This a joke business before. Taong 2004 kami-kami nang binuo namin ang Artista Salon. it’s so happen before na we need a tambayan lang hanggang dumami nang dumami ang mga alaga ko.

“And then nag-isip kami ng paglalagyan namin, tambayan ng mga alaga kong celebrities kung saan kami tatambay. 

“It’s so happen na kumakain kami sa isang restaurant sa Macapagal naisip ko ang pangalang Artista. So ‘yun dire-diretso na. 

“Then dumating ang pandemic humina ang mga negosyo hanggang we decided katulad nitong si Lotis 15 years na ang kanyang Artista Salon sa Nasugbu at Naic branch. So, sabi ko bakit hindi kami mag-venture tapos ito ring aking isang sister si Margaret she’s into real estate.

“Basta may isa kaming kuwento na isa lang ang pinaghuhugutan naming koneksiyon,” pagbabahagi ni Gio.

At dahil sa koneksiyong iyon, nagsama-sama sila para sa Artista Salon.

“So we decided na bakit hindi namin gawing company kasi I’m geting old ang hilig ko na sa probinsiya. Ang hilig ko na sa nature na ambience. I decided to become a group or company. Noon kasi ako lang, lahat ako lang talaga. Eh ngayon I need katuwang sa buhay,” wika pa ni Gio.

Sinabi pa ni Gio na iniba na nila ang Artista Salon ngayon. 

“Kung ang Artista Salon noon ay sosyal at masa ang presyo. Mas pina-sosyal namin ngayon, mas pina-high end namin all the products, all the machine.

“Lahat ng hindi pa inilalabas sa Pilipinas mayroon na rin kami. Na ‘yung nakikita sa BGC mayroon na rin kami. Level-up na kumbaga, para sa lahat at mura, iyon ang importante para sa masa,” giit pa ni Gio.

At dahil dating dancer si Gio sa Eat Bulaga, naibalita nitong magkakaroon sila ng dance concert, ang D’Legends on the Dance Floor, na magsasama-sama ang lahat ng mga sumikat na dance group noong 70s, 80s, 90s sa November 4, sa Big Dome.

Mapapanood sa dance concert ani Gio ang grupong sumikat noong 90’s tulad ng Universal Motion Dancers o UMD (na kinabibilangan nna Wowie de Guzman, James Salas, Jim Salas, Gerry Oliva, Marco McKinley, at Norman Santos), Streetboys (Vhong Navarro, Danilo Barrios, Chris Cruz, at Nicko Manalo), at Manoeuvres (Joshua Zamora, Jason Zamora, Michael Flores, Jon Supan, Reden Cruz, Jhon Cruz, at Rene Sagaran). 

Kasama rin ang magagaling na choreographer tulad nina Geleen Eugenio, Maribeth Bichara, Mel Feliciano, at ang dance duo na The Aldeguer Sisters. 

Makikisayaw din sa kanila sina Jojo Alejar, Amanda Page, Ara Mina, Carmi Martin, Eula Valdez, Gardo Versoza, Jackie Lou Blanco, Regine Tolentino, Roderick Paulate, at marami pang iba.

“Si Gardo Versoza, machete, sasayaw ng naka-heels! Ang daming pasabog. I think Sexbomb din nandoon. Lahat nandoon. Complete. Magre-reminisce talaga,” pagbabahagi pa ni Gio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …