ANG naiulat na agwat sa bayad ng mga referee sa UAAP men’s (₱3,000/kada laro) at women’s (₱2,000/kada laro) na basketball ay isang uri ng diskriminasyon at hindi katanggap-tanggap.
Nilalabag ng gawaing ito ang Magna Carta of Women (RA 9710), isang batasative action sa kanilang estratehiya at dapat gamitin ang gender equality bilang balangkas sa pagpapatupad ng kan na ako ang pangunahing may-akda.
Sa tangkang bigyang-katwiran ang mas mababang bayad sa mga referee ng women’s division, tinawag ito ng UAAP na isang “tiered, merit-based system.” Ngunit ang paglikha ng mga “tier” ay isang paraan ng pag-iwas sa batas. Binababa nito ang tingin sa women’s sports at nilalabag ang tahasang itinatakda ng Magna Carta of Women na ang mga organisasyong pang-isports ay kailangang magpatupad ng affirmilang mga polisiya at badyet.
Malinaw po ang batas. Pati sa pagba-badyet para sa referees ay dapat naaayon sa tinatawag na “affirmative action.”
Pareho lang ang tungkulin ng mga referee, kung sila man ay nagtatrabaho sa men’s o women’s games. Ang pag-aangkin ng kabaligtaran ay isang pagmamaliit sa women’s sports at pagpapatibay sa mga nakasasamang stereotype na nilalabanan mismo ng Magna Carta of Women. Ito ay nakakadismaya sa mga gustong mag-referee sa women’s basketball at sumisira sa layunin ng pagkakapantay-pantay sa kasarian imbes na itaguyod ito.
Ang ganitong uri ng diskriminasyon ay salungat din sa ating mga batas paggawa, na nagtataguyod ng prinsipyong equal pay for equal work. Hindi opsyonal ang pantay na sahod. Batas po ito.
Nanawagan ako sa UAAP at sa lahat ng organisasyong pang-isports na agad na repasuhin at itama ang mga polisiyang ito, at tiyakin na sumusunod sila sa pamantayan ng katarungan, pagkakapantay-pantay, at pagiging makatarungan na itinatakda ng ating mga batas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com