SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
BUONG-BUO pa rin ang suporta ng followers, fans lalo ng mga ineendosong brand ni Heart Evangelista.
Ito ang iginiit ni Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Network senior vice president, bilang tugon sa mga kumakalat na usapin na may ilang brands ang nagtanggal sa Kapuso star bilang brand ambassador.
Kasabay nito, nag-post din ang Sparkle Artist Center ng paglilinaw at sinabing fake news ang kumalat ng article na nagsasabing nabawasan ang benta ng dalawang brand na ineendoso ni Heart.
“FAKE NEWS ALERT! THIS IS NOT TRUE!
“Don’t be fooled by fake news! Always be vigilant when reading articles online,” babala ng talent arm ng Kapuso.
Nanatiling 16.2 million ang followers ni Heart sa Instagram, 7.5 million sa Facebook, at 7.9 million sa Tiktok.
Nakalulunggkot na hinuhusgahan si Heart ng netizens ng walang basehan. Matagal na sa showbiz si Heart at kilalang-kilala siya kung ano ang family background.
Para sa kaalaman ng iba, nagmula sa isang prominente at mayamang pamilya ang aktres.
Ang kanyang ama ay mula sa angkan ng Chinese-Filipino na mga Ongpauco, isa sa nag-umpisa ng chain ng restaurant na Barrio Fiesta, habang ang angkan ng kanyang ina, ang del Gallego, ay nagmamay-ari ng isang sugar plantation sa Camarines Sur.
Ipinanganak bilang Love Marie Payawal Ongpauco, bunso si Heart sa limang magkakapatid. Lumaki sa Amerika bago bumalik sa Pilipinas para mag-artista.
And the rest is story, ‘ika nga.
Sumikat bilang actress, singer, artist hanggang maging fashion icon na nagbukas ng pintuan sa Pinoy sa mga Fashion Week sa Europe.
Tulad ng sinabi ni Heart sa kanyang IG Live, halos tatlong dekada na siyang nagtatrabaho kaya nakamit niya ang pinapangarap na magandang estado.
“The sad reality at this point, it’s very hurtful that as an independent woman like myself… goddamm*t, I am so independent… I am so hardworking and I have pride in what I do.
“I’m not the type of wife na nakatanga lang ako sa bahay, at nakikipag-chikahan lang ako sa amiga. I work. I refuse to just be a useless wife at home. I will continue to work,” sambit pa ni Heart.
Sa kabilang banda, nauna nang inanunsiyo ng actress at fashion icon na lalaktawan niya ang mga Fashion Week ngayong season sa Milan at Paris.
Kasabay nito ay humingi ng paumanhin si Heart sa mga tagahanga na inaasahan ang kanyang pagrampa sa international runway.
“I’m sorry for my fans that I’m not going to Fashion Week. I know that you guys say ‘laban, laban.’ I really appreciate you. But honestly, I don’t think it’s the right time for anyone to, especially from our country, to be going to Fashion Week because I think we need to be here. Not necessarily to be in the rally… but it’s important that we open our eyes, and we truly become one and empathize and really see what’s going on, and see what we can do,” giit pa niya.
Ang Kapuso actress ay isa sa nagiging attraction sa Fashion Week sa loob ng maraming taon, na madalas ay pinupuri dahil sa kanyang front-row appearances at luxury partnerships.
Kinompirma naman ni Heart na hindi ito permanenteng pahinga, magbabaljk pa rin siya.“marahil sa susunod na season,” sabi niya sa Ingles.
Sa kabilang banda, alam naman ng lahat na may pre-nuptial agreement sina Heart at Sen. Chiz Escudero kaya nagugulat sila sa mga pagdawit na ginagawa sa kanya sa mga anomalya.
Ang nasirang Sen. Miriam Defensor Santiago pa nga ang humawak ng kontrata.
“Since I’ve been working for a long time, the late senator Miriam Defensor who is like a second mother to me, who handled most of my contracts when I was younger. She demanded that I get a prenup with my now-husband,” wika pa ni Heart.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com