Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yuki Sonoda Len Carrillo

Yuki Sonoda, thankful sa Viva at sa manager na si Len Carrillo dahil sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMING projects ngayon si Yuki Sonoda, kaya naman sobra siyang nagpapasalamat sa mga nangyayari sa kanyang career.

Una sa listahan ng pinasasalamatan ng aktres ang kanyang manager na si Ms. Len Carrillo, pati na ang mga bossing ng Viva.

“I am super thankful to Nanay Len when I moved to Viva. Siya po kasi talaga ang tumulong sa akin na makabalik ulit sa showbiz.

“Sobrang nagpapasalamat po ako sa mga tumutulong sa career ko, especially sobrang thankful ako kay Nanay Len when I moved to Viva. Siyempre po, nagpapasalamt po ako kay Boss Vic at sa lahat po ng bossing po sa Viva,” pahayag ni Yuki.

Aniya pa, “Si ‘Nay Len po kasi talaga, naging parang nanay ko na sa Filipinas. Bale siya po talaga ang manager ko, co-managed po with Viva.”

Bukod sa pelikulang ‘Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna’ na showing na ngayon, tampok din si Yuki sa pelikulang ‘Lost and Found’, starring Paolo Contis, Kelley Day, at Quinn Carrillo. Mula sa pamamahala ni Louie Ignacio, ito ay hatid ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Vipe Studios ni Dave Villaflor.

Kasama rin siya sa pelikulang ‘Die Father, Thy Son’ ni Direk Sid Pascua. Tampok sa pelikula sina JC Santos, Nonie Buencamino,  Shamaine Buencamino, James Clarence Fajardo, Quinn Carrillo, at iba pa.

Ang Minamahal… ay pinagbibidahan nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga. Kasama rin dito sina Joko Diaz, Giselle Sanchez, Gene Padilla, Phoebe Walker, at iba pa.

Ano ang reaction niya nang napanood ang kanilang pelikula sa ginanap na premiere night nito?

“Grabe! Overwhelming po na makita ko ulit ang sarili ko sa big screen,” masayang tugon niya.

Nagkuwento pa si Yuki hinggil sa kanilang pelikula. “Ang role ko po sa movie, ako po si Sydney, bale ako po yung muse ng class namin, hehehe. Ang movie po, it’s all about high school love po.”

May mga pakilig ba sa movie nila?

“Sina Ashtine and Andres po talaga ang nagpapakilig sa movie, pero kinilig din ako sa isang vocal boy group, kasi hinarana po nila ako, hahaha!”

Pahabol pa ni Yuki, “Napaka-ganda po ng story and siguradong kikiligin po ang manonood kina Andres at Ashtine.

“Aside po sa movie na Minamahal, nag-start na rin po akong mag-hosting ngayon, iyon po yung galing sa Viva.”

Si Yuki ay isang Pinay-Japanese na nagtapos ng kursong International Business Law sa Tokyo. Siya ay isang model at beauty queen sa Japan, na naging Miss Universe Japan- 2nd runner up.

Nag-shift siya noon ng focus sa showbiz dahil sa pagsali sa beauty pageant. Masasabi ba niyang itong year 2025 ay tuloy-tuloy na ulit ang pagiging active niya sa showbiz?

“Thankfully, dahil parami nang parami na po ang projects ko, even with Viva…

“Ito pong year 2025, sa tingin ko po ay tuloy-tuloy na ulit. Hopefully ay magiging more active na ako sa showbiz finally, after finishing my pageant,” sambit pa ng magandang aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …