Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NCAA Season 101
ANG mga coaches ng men's basketball mula sa 10 paaralan miyembro ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa pormal na paglulunsad ng Season 101 noong Lunes Setyembre 22 sa Novotel Manila sa Quezon City. Sila ay sina (mula kaliwa),Charles Tiu (College of Saint Benilde), Jerson Cabiltes (Emilio AguinaldoCollege), Nani Epondulan (Jose Rizal University), Chico Manabat (Arellano University), Allen Ricardo (Colegio de San Juan de Letran), Randy Alcantara (Mapua University), Gilbert Malabanan (Lyceum of the Philippines University), Yuri Escueta (San Beda University), Rob Labagala (San Sebastian College-Recoletos), at Olsen Racela (University of Perpetual Help). Nasa likuran ang mga kinatawan ng Management Committee. (HENRY TALAN VARGAS)

NCAA Season 101, magsisimula na ngayong Oktubre 1

ANG National Collegiate Athletic Association (NCAA), ang kauna-unahang collegiate athletic league sa bansa, ay papasok sa isang bagong yugto ng collegiate sports sa pamamagitan ng opisyal nitong tahanan at broadcast partner, ang GMA Network. Sa temang “Building Greatness”, opisyal na sisimulan ang NCAA Season 101 ngayong Oktubre 1 sa Araneta Coliseum, tampok ang mga mahahalagang pagbabago ngayong season.

Ang bagong season ay host ang Mapúa University, na binubuo ng 10 miyembrong paaralan ng liga.

Binigyang-diin ni Season 101 Policy Board President Dr. Dodjie Maestrecampo ng Mapúa University ang bagong direksyon ng liga.

“Habang pormal nating inilulunsad ang Season 101, tayo ay pumapasok sa bagong yugto ng NCAA — isang yugto na nagbibigay-pokus sa kahusayan sa palakasan at pag-unlad. Ayon sa tema ng season, layunin nating hikayatin ang bagong henerasyon ng student-athletes na makipagtagisan sa pinakamataas na antas, habang pinapalago ang pamana ng kadakilaan na pinagmulan ng season na ito,” ani Maestrecampo.


Kasama sa Policy Board sina: Mr. Francisco Paulino V. Cayco ng Arellano University, Fr. Raymund Fernando P. Jose, OP ng Colegio de San Juan de Letran, Br. Edmundo L. Fernandez, FSC ng De La Salle-College of St. Benilde, Dr. Jose Paulo E. Campos ng Emilio Aguinaldo College, Dr. Vincent E. Fabella ng Jose Rizal University, Atty. Roberto P. Laurel ng Lyceum of the Philippines University, Fr. Aloysius Ma. A. Maranan, OSB ng San Beda University, Fr. Rafael B. Pecson, OAR ng San Sebastian College-Recoletos, Dr. Anthony Jose M. Tamayo ng University of Perpetual Help System DALTA.

Inanunsyo ni Management Committee Chairman Melchor Divina ng Mapúa University ang malalaking pagbabago ngayong season, kabilang ang bagong tournament format para sa basketball at volleyball.

“Ang NCAA Season 101 ay magiging makasaysayang taon para sa liga. Hindi lamang nito itataas ang antas ng kompetisyon, kundi magdadala rin ng mas kapana-panabik na karanasan para sa ating mga tagasuporta,” ayon kay Divina.

Kasama ni Divina sa Management Committee sina: Mr. Peter S. Cayco ng Arellano University, Fr. Victor C. Calvo, Jr., OP ng Colegio de San Juan de Letran,Mr. Manuel Raymund A. Castellano ng De La Salle-College of St. Benilde, Dr. Lorenzo C. Lorenzo ng Emilio Aguinaldo College, Mr. Efren Y. Supan ng Jose Rizal University, Dr. Allan Paul Layco ng Lyceum of the Philippines University, Atty. Jonas D. Cabochan ng San Beda University, Fr. Virgilio M. Parede, Jr., OAR ng San Sebastian College-Recoletos, at Mr. Francisco P. Gusi Jr.ng University of Perpetual Help System DALTA.

Sa mga nakaraang season, mas napalapit ang NCAA sa mga manonood dahil sa lawak ng abot ng GMA Network sa iba’t ibang plataporma.

Ayon kay Senior Vice President at Head of GMA Integrated News, Regional TV, and Synergy Oliver Victor B. Amoroso:

“Bilang multi-platform media partner, hindi lang sa TV mapapanood ang mga laro kundi pati na rin sa digital platforms simula Season 96. Layunin naming dalhin ang isang mas matatag na liga sa mga paaralan, tagahanga, at sports enthusiasts saan man sila naroroon.”

“Ngayong papasok tayo sa panibagong yugto sa Season 101, nakatuon ang GMA Network sa paghahatid ng world-class na viewing experience.”

Ngayong Season 101, ipapakilala ang bagong tournament format para sa basketball at volleyball: Group stage na may crossover play. Expanded playoffs na may:Play-in game para sa ika-apat na puwesto. Twice-to-beat advantage para sa top 2 seeds ng bawat grupo sa quarterfinals. Best-of-three series para sa semis at finals

Simula ng “NCAA Season 101: Building Greatness Opening Ceremony” sa Oktubre 1, 12:00 ng hapon sa  Araneta Coliseum at telecast sa GTV sa 1:30 ng hapon.

Mga Laro sa Opening Day ng Men’s Basketball Tournament magsisimula ng  2:30 ng hapon ang laban ng Mapúa University (Host at Defending Champion) at Lyceum of the Philippines University na mapapanood sa GTV at Heart of Asia. Sa alas 5:00 ng hapon ang laro ng College of Saint Benilde kontra San Beda University.

Magkakaroon din ng mga kumpetisyon sa:Women’s & Men’s Volleyball, Taekwondo, Badminton, Table Tennis, Swimming, Street Dance, Beach Volleyball, Lawn Tennis, Soft Tennis, 3×3, Track and Field, at Cheerleading. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …