Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto

Julia Barretto inili-link sa isang negosyante

TIKOM ang bibig kapwa nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa ilang buwan na ring usap-usapan na break na matapos ang limang taong relasyon.

Pero ‘ika nga, “When there’s smoke, there’s fire.” 

Mainit na usapin ngayon sa social media na ang Cignal HD Spikers player na si Vanie Gandler daw ang bagong apple of the eye ni Gerald, lalo’t makahulugan ang naging sagot ni Claudine Barretto, tiyahin ni Julia nang makapanayam ni Ogie Diaz tungkol 

sa pagkaka-link ng Kapamilya actor sa magandang volleyball player.

Ani Claudine, “Basta hindi na ako nanonood ng PVL (Premier Volleyball League),” nang dahil daw sa mga ipinararating sa kanya ng ‘babies’ niya sa volleyball tungkol kina Vanie at Gerald.

At kung si Gerald ay nali-link sa volleyball player, may nag-chika namang isang reliable source na umano’y isang big-time businessman— skin care ang business-ang nali-link ngayon kay Julia.

At para raw maniwala kami, ipinadala pa nito sa amin ang picture ng negosyante na nasa mid-30’s lang. 

Nang sipatin naming mabuti ang hitsura ng guy, guwapo at hindi nalalayo sa hitsura ni Gerald dahil bigotilyo rin at lalaking-lalaki ang tindig. May hawig din ito kay John Lloyd Cruz, medyo mas may laman lang kaysa dating matinee idol.

Pero nilinaw naman sa amin ng source na hindi ang guwapong big-time businessman ang dahilan ng hiwalayan nina Gerald at Julia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …