Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AVC PNVF Tats Suzara PSC Pato Gregorio Somporn Chaibangyang Thana Chaiprasit FIVB Fabio Azevedo
PINANGUNAHAN nina AVC at PNVF president Ramon “Tats” Suzara (gitna) at PSC chairman Patrick “Patò” Gregorio (ikalawa mula kaliwa) ang toast kasama sina (mula kaliwa) Thailand Volleyball Association president Somporn Chaibangyang, National Olympic Committee of Thailand secretary-general Thana Chaiprasit, at FIVB president Fabio Azevedo. (PNVF Photo)

Sentro ng pandaigdigang volleyball umuugong sa Southeast Asia

UMUUGONG ang sentro ng pandaigdigang volleyball sa Southeast Asia kasabay ng inagurasyon nitong Biyernes ng kauna-unahang Asian Volleyball (AVC) House sa Bangkok. Naganap ito habang papalapit na sa huling dalawang araw ng pagho-host ng Thailand ng FIVB Women’s World Championship, at naghahanda na ang Pilipinas para sa pagho-host ng men’s global tournament sa loob ng isang linggo.

“Ngayon, ito na ang tahanan ng volleyball sa Asya at mas madali para sa amin ang magtrabaho dito dahil sa tagumpay ng volleyball sa Timog-Silangang Asya,” ani AVC president Ramon “Tats” Suzara, na siya ring namumuno sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), sa isang makasaysayang seremonya na dinaluhan ng mga prominenteng personalidad sa mundo ng volleyball.

Kasama ni Suzara sa entablado si Philippine Sports Commission chairman Patrick “Pato” Gregorio, mga opisyal ng FIVB na pinamumunuan ng kasalukuyang presidente nitong si Fabio Azevedo, dating presidente Ari Graza, at dating AVC president Rita Subowo.

“Malugod naming tinatanggap ang lahat ng stakeholders sa volleyball, lalo na sa Asya—mga tagahanga, unibersidad, club teams, at siyempre, iba’t ibang kasapi sa mundo ng sports,” dagdag pa ni Suzara. Nakasama rin niya sina PNVF secretary-general Donaldo Caringal at Mayor Eric Singson, na nagsusulong ng pagho-host ng 2026 AVC Women’s Cup sa Candon City.

Nakiisa rin sa toast para sa AVC House sina Thailand Volleyball Association president Somporn Chaibangyang at National Olympic Committee of Thailand secretary-general Thana Chaiprasit. Ang bagong bahay ng AVC ay isang dalawang-palapag na mansyon na nakatayo sa 2,800-square meter na lote sa Khet Saphan Sung, isa sa 50 distrito ng Bangkok.

“Napakasaya at ipinagmamalaki ko ang pamumuno ng volleyball sa Asya sa pangunguna ni president Ramon Suzara. Ang bagong volleyball Asia house ay kahanga-hanga at kamangha-mangha,” sabi ni Azevedo. “Isang napakagandang lugar para maging sentro ng volleyball sa Asya, at tayo’y gumagalaw bilang ‘iisa’ gaya ng sinasabi ni president Suzara.”

Sa Thailand, gaganapin ngayong Sabado ang semifinals ng women’s world championship sa pagitan ng Turkiye at Italy at Brazil, habang ang laban para sa mga medalya ay sa Linggo.

Samantala, sa Biyernes (Setyembre 12), magsisimula na ang Pilipinas sa pagho-host ng 32-nation men’s world championship, kung saan maghaharap ang Pilipinas at Tunisia sa Pool A sa ganap na 4:30 p.m. sa SM Mall of Asia Arena.

Maaaring makabili ng tiket sa opisyal na  website: https://www.philippineswch2025.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …