Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Efren Bata Reyes Paolo Gallito Marlon Manalo
IGINAWAD ni Efren "Bata" Reyes ang eleganteng tropeo at cash prize money kay kay Paolo Gallito kasama si International Billiards and Snooker Champion Kap. Marlon Manalo. Kampeon si Gallito sa Efren "Bata" Reyes Yalin 10-Ball Championships. Aksiyon sa kapanapanabik na laban ng torneo sa iskor na 13-12. (HENRY TALAN VARGAS)

Gallito kampeon ng Efren “Bata” Reyes Yalin 10-Ball Championship

MAKASAYSAYANG panalo para kay Paolo Gallito ng Mandaluyong City, dinomina ang Finals ng Efren “Bata” Reyes Yalin 10-Ball Championships.

Tinalo niya si Lee Vann Corteza ng Davao City sa isang kapana-panabik na laban na nagtapos sa iskor na 13-12, na ginanap sa Pacman’s Cue Club, Lower Ground Floor, Worldwide Corporate Center, Shaw Boulevard sa Mandaluyong City nitong Sabado, Agosto 30, 2025.

Ito ang kanyang kauna-unahang malaking tagumpay.

“Masayang-masaya ako—hindi pa rin ako makapaniwala na isa na akong kampeon sa Philippine International Open. Ipinagmamalaki kong iuuwi ang tropeong ito,” sabi ng 25-anyos na si Gallito.

“Napakahirap ng laban. Ang final na ito ay mananatili sa alaala ko habang buhay. Isa si Lee Vann Corteza sa pinakamahusay sa buong mundo,” dagdag pa niya.

Sa kanyang paglalakbay patungong finals, tinalo ni Gallito si Bryan Paco, 11-5, upang makaharap si Corteza sa championship round, na siyang bumuwag naman kay Oliver Villafuerte, 11-8.

Dahil sa panalo, nag-uwi si Gallito ng P1 milyon, habang si Corteza naman ay tumanggap ng P300,000 bilang runner-up.

Ang torneo ay pinangasiwaan ng Games and Amusement Board (GAB) sa pamumuno ng kanilang chairman na si Atty. Francisco Rivera, sinuportahan ni Senador Manny Pacquiao, at inorganisa ng International Billiards and Snooker Champion na si Kap. Marlon Manalo.   (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …