Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes

Gladys pumirma sa Star Magic, direction ng career dahilan ng pag-oo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

EXCITED si Gladys Reyes sa pagpirma ng kontrata sa Star Magic dahil sa mga proyektong nakahanay na lalo pang magpapayabong ng kanyang karera.

Kahapon pumirma si Gladys sa Star Magic sa ginanap na Grand Welcome to Star Magic event ng ABS-CBN.

Sabi ko nga, ang dami ko pang gustong gawin.  Ang dami ko pang gusto makatrabaho siyempre na nasa Star Magic din. I’m looking forward to more meaningful and challenging projects to come,” esplika ng aktres.

Makalipas ang apat na dekada bilang artista, malaki ang pasasalamat ni Gladys na mapabilang sa Star Magic family ngayon, lalo na at nakilala siya bilang isa sa mga pinakasikat na kontrabida noong bumida siya sa 1992 teleserye na Mara Clara ng ABS-CBN.

Masaya ako kasi answered prayer ito para sa akin bilang artista. Umaasa ako sa mas makabuluhan at mahirap na mga proyekto. Nakaiiyak ‘yung respeto at pagpapahalaga kapag nararamdaman mo pa rin ‘yun pagkalipas ng ilang taon,” saad niya.

Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic manager Gidget Dela Cuesta.

Sinabi pa ni Gladys na excited siya para sa mga proyektong gagawin niya para maipakita pa sa publiko ang kanyang kalog na personalidad bukod sa pagiging kontrabida sa mga serye.

Marami pa akong gustong gawin. Bukod sa mga teleserye, gusto kong mag-host ulit para maipakita ko ang pagiging totoo ko at ang tunay kong ugali—kung talk show man, variety show, o kahit game show,” sabi niya.

Isa si Gladys sa mga bida ng pelikulang And The Breadwinner Is sa 50th Metro Manila Film Festivalat napapanood din siya bilang hurado sa It’s Showtime.

Kamakailan din ay pumirma ng kontrata sa Star Magic ang anak niyang si Christophe Sommereux bilang recording artist ng StarPop.

Napag-usapan namin ni Direk Lauren sa meeting… Kami mag-ina, napakagandang isipin na magbe-belong sa isang management… 

“Kumbaga ‘yung pag-uusap niyo, direkta na. Aside from that, ang talagang naka-pag-pa-oo sa ‘kin is ‘yung naging pag-uusap din namin… ‘yung direction ng career,” pagbabahagi pa ni Gladys.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …