Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilfredo Leon Poland Volleyball
Ang top-ranked spiker na si Wilfredo Leon ng Poland. (PNVF Photo)

Elite ng mga elite sa world volleyball, darating para sa FIVB Men’s Worlds

DARATING na ang pinakamagagaling sa mundo ng volleyball — kabilang ang kasalukuyang kampeon na Italy, Olympic gold medalist na France, at world No. 1 na Poland — para sa FIVB Men’s Volleyball World Championship 2025 na gaganapin sa susunod na buwan sa SM Mall of Asia Arena at Smart Araneta Coliseum.


“Elite sa pinakamataas na antas,” ayon kay Pangulo ng Philippine National Volleyball Federation na siya ring namumuno sa Local Organizing Committee ng world championship. Kasama niya sa pamumuno si Presidential son William Vincent “Vinny” Araneta Marcos, Senador Alan Peter Cayetano, at Tourism Secretary Christina Frasco.


Itinuturing na mga paborito ang tatlong koponan dahil sa kanilang world rankings at kasalukuyang mga titulo, habang papalapit na ang dalawang linggong paghahanda bago tuluyang pumutok ang pinakamalaking volleyball event sa bansa mula Setyembre 12 hanggang 28.


Pinangungunahan ng top-ranked spiker na si Wilfredo Leon at Volleyball Nations League MVP middle blocker na si Jakub Kochanowski, darating ang Poland bilang No. 1 team batay sa pinakabagong FIVB rankings.


Nakuha ng Poland ang silver medal sa 2024 Paris Olympics at 400 puntos sa FIVB matapos nitong walisin ang Italy sa VNL finals sa China nitong buwan. Malamang manatili silang No. 1 dahil wala nang ibang major tournament bago ang pagsabak ng 32 koponan sa huling yugto ng kanilang paghahanda.


Nasa ika-apat na pwesto ang France at tangan ang back-to-back Olympic gold medals, kabilang na ang panalo kontra Poland sa Paris, kaya’t isa rin itong itinuturing na matinding kalaban sa pinamalaking edisyon ng FIVB world championship sa kasaysayan.


Bida ng France si Paris MVP Earvin Ngapeth, na siyang mangunguna sa pagbawi ng koponan matapos ang maagang pagkakatanggal sa quarterfinals ng 2022 world championship na ginanap sa Poland at Slovenia.


Naroon din ang kasalukuyang world champion at No. 2 na Italy na hangad ipagtanggol ang kanilang titulo at makabawi sa pagkatalo sa Poland sa VNL finals.


Pangungunahan sila nina VNL Best Setter Simone Giannelli at Best Outside Spiker Alessandro Michieletto — mga bayani sa panalo ng Italy kontra Poland sa 2022 edisyon.


Nasa gitna ng Top 3 ang world No. 3 Brazil, sa pangunguna nina Alan Souza, Ricardo Lucarelli, Mathes Bispo dos Santos, at setter na si Bruno Fernando. Target nilang makabawi sa bronze-medal finishes nila sa 2022 World Cup at 2025 VNL.


Nakapasok lamang sa quarterfinals ang Brazil sa Paris matapos matalo sa USA, at layuning tapusin ang “unfinished business” sa Manila hosting ng FIVB Worlds.


Ang mga grupo: Pool B: Poland, Netherlands, Qatar, Romania. Pool C: France, Argentina, Finland, South Korea.
Pool F: Italy, Ukraine, Belgium, Algeria. Pool H: Brazil, Serbia, Czech Republic, China.

Naroroon din ang iba pang top contenders tulad ng World No. 5 Japan, No. 6 USA, No. 7 Slovenia, No. 8 Germany, No. 9 Argentina at No. 10 Cuba.

Ang world tournament ay suportado ng Rebisco, SM, PLDT, SMART, Metro Pacific Investment, Honda Philippines, Meralco, Sony, Lenovo, LRT Line 2, at opisyal na kinikilala ng FIVB, katuwang ang Volleyball World, Mikasa (opisyal na bola), Mizuno, Gerflor at Senoh Corporation.

Ang host country na Alas Pilipinas, kasalukuyang ranked No. 82, ay nasa Pool A kasama ang No. 13 Iran, African champion No. 23 Egypt, at No. 42 Tunisia.
Ang laban ng Alas Pilipinas kontra Tunisia ang magsisilbing unang laro sa Setyembre 12 sa Mall of Asia Arena, kasunod ng engrandeng opening ceremony na pangungunahan ng K-POP group BOYNEXTDOOR.

Makakabili ng tickets sa opisyal na website: https://www.philippineswch2025.com/b (PNVF)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …