Monday , February 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bela Padilla Mark Lopez Carlo Katigbak Cory Vidanes Rick Tan Laurenti Dyogi Deejaye Dela Paz

Bela Padilla balik-Kapamilya at Star Magic, gustong makatrabaho si Coco 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAGBABALIK-KAPAMILYA si Bela Padilla matapos pumirma ng eksklusibong kontrata sa Star Magic, ang talent agency ng ABS-CBN.

Isang espesyal na homecoming ang pagpirma para kay Bela lalo pa at sa ABS-CBN siya nagsimula bilang bahagi ng Star Magic Batch 15 noong 2007. Inilarawan niya ang pagbabalik bilang isang “full-circle” moment.

Ibinahagi rin niya ang mga hamong hinarap niya noong pandemya at kasunod ng hindi pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, na nagtulak sa kanya para manirahan muna sa ibang bansa. 

“Sobrang loyal lang siguro ako kaya hindi ko naisip na magtrabaho sa ibang tao. May natanggap akong offers na magteleserye sa ibang kompanya pero mas ginusto ko na lang umalis,” kuwento ni Bela.

Ang desisyon niyang bumalik ay bunga ng imbitasyon mula sa network, na aniya’y patunay sa matibay nilang relasyon. 

“Masaya sa feeling na tinawag nila akong bumalik lalo pa at ngayong lumalakas muli sila,” dagdag pa niya.

Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic manager Deejaye Dela Paz at W talent management CEO na si Pia Campos.

Sa ilalim ng kanyang bagong kontrata, inaasahan ni Bela na makakamit ang bagong yugto sa karera na magkakaroon siya ng balanse sa kanyang mga passion. 

“Alam ko na makukuha ko ‘yung suporta mula sa Star Magic na magpatuloy bumuo ng kwento lalo nitong nakaraang taon mas nag-focus ako sa acting. Mas magkakaroon ng balanse,” pahayag niya.

Bagaman hindi pa napag-uusapan ang kanyang mga magiging proyekto, sinabi ni Bela na kung bibigyan siya ng pagkakataon, nais niyang muling makatrabaho si Coco Martin.

Huling seryeng kinabilangan ni Bela ang Pamilya Sagrado at patuloy pa rin siyang nakikita ng manonood bilang guest co-host sa It’s Showtime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Aiko Melendez Onemig Bondoc

Aiko, Onemig sinopla netizens na kumukuwestiyon sa kanilang relasyon

RATED Rni Rommel Gonzales INALMAHAN nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc ang mga namba-bash sa kanilang relasyon, na kesyo …

Ralph Dela Paz

Actor/negosyanteng si Ralph Dela Paz sunod-sunod proyekto ngayong 2026

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang actor/businessman na si Ralph Dela Paz dahil matapos itong mag-shoot ng kanyang …

Gladys Reyes Caprice Cayetano Heath Jornales

Gladys kinilig kina Caprice at Heath

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang kinilig sa impromptu acting nina Caprice Cayetano at Heath Jornales. Kitang-kita kasi …

Carlo Aquino Bela Padilla Jerry Lopez Sineneng Ricky Lee

Bela ibinuking Carlo takot sa matataas na lugar

HARD TALKni Pilar Mateo SA March 11, 2026, may isa na namang pelikulang ihahandog ang Viva sa …

Nijel de Mesa Jan Christine NDM Plus Not for Everyone Gala

NDM Plus naglunsad ng “Not for Everyone Gala” na kakaiba at puno ng artista

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG “NOT FOR EVERYONE GALA” ng NDM Plus ay hindi …