Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robi Domingo Mark Lopez Carlo Katigbak Cory Vidanes Rick Tan Laurenti Dyogi Deejaye Dela Paz

Robi Doming mananatiling kapamilya,  PBB Collab season 2, aabangan 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MANANATILING Kapamilya ang PBB host na si Robi Domingo matapos muling pumirma ng kontrata sa Star Magic, kasabay ng ika-17 taon niya sa showbiz, noong Huwebes (Agosto 21).

Itinuturing na ni Robi na pangalawang tahanan ang ABS-CBN kaya hindi niya ito maiwan-iwan.

Aniya sa ginanap na KapamILYa Forever: Here To Stay contract signing, “I stay here at ABS-CBN because I feel at home whenever I’m here.”

Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic manager Deejaye Dela Paz.

Unang nakilala si Robi bilang Second Big Placer ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008. Mula noon, isa na siya sa pinaka-pinagkakatiwalaan at pinaka-in-demand na TV host sa bansa.

“To stay with ABS-CBN is one thing, but to believe in its core and commitment to be in the service of the Filipino is another,” ani Robi na binigyang-diin ang kanyang dedikasyon sa kanyang propesyon.

Aabangan din ang pasabog na pagbabalik niya bilang host ng PBB Collab Season 2isa sa pinakamalalaking “collab” ng ABS-CBN at GMA bago matapos ang taon.

Aniya, “I’m so surprised and that’s in a good way. I’m just so happy for both media channels, GMA and ABS-CBN, to have this big collaboration. Exciting!”

Kasalukuyan naman siyang napapanood sa ASAP at sa kauna-unahang season ng  Idol Kids Philippines tuwing Sabado at Linggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …