LIGAO CITY – Inihayag kamakailan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian “Adrian” Salceda, ‘House Special Committee on Food Security chairman,’ ang natatanging pagtutulungan ng Albay at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagsulong na kauna-unahang ‘Artificial Intelligence (AI) Readiness Institute’ sa bansa na tutuon sa agrikultura at iba pang mga usapin.
Tinalakay nina Salceda at TESDA Secretary Francisco Benitez nitong nakaraan ika-14 ng Agusto ang proyekto na maaaring pasimulan sa Oktubre ngayong taon. Bukod sa agrikultura, ang kurso ng naturang proyekto at tutuon din sa mabilis at mabisang serbisyo ng pamahalaan, siguridad ng publiko sa panahon ng mga kalamidad at pangunahing mga serbisyong pangkalusugan.
Ang inisyatibo ay tugon din sa layunin ni Pangulong Marcos na lalong palaguin ang produksiyon ng agrikultura, paliwanag niya. Ang ‘AI Readiness Institute’ na madaling puntahan at makita sa ‘online platform’ ay magbibigay ng mahahagang kaalaman sa mga manggagawa, estudiyante at maliliit na mamumuhunan, na makakatulong sa kanila sa pagtawid sa kasalukuyan ekonomiya na tuloy-tuloy na bibibigyan ng bagong hugis ng AI.
Nangangahulugan ito na pangungunahan ng Albay ang pagtatag at pagsulong ng mga lokal na AI. “Nais kong dito sa Albay ito magsimula dahil marami kaming mga ‘virtual assistants’ na makikinabang nito, bukod sa marami rin kaming mga estudiyanteng interesado sa proyektong ito,” dagdag ng mambabatas.
Salceda said the course will initially focus on Albay’s large “virtual assistant workforce,” many of whom are based in his third district, and will cover TESDA assessment fees for its free online programs to ensure that certifications will remain accessible.
Sa kalaunan, bukod sa agrikultura, sasaklawin na rin ang kursong AI ang paghahatid ng mga mahalagang serbisyo ng pamahalaan, pampublikong kaligtasan sa panahon ng mga kalamidad, at mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, Sadyang mahalaga ang mga larangang ito sa pugsulong ng ekonomiya at kalidad ng buhay, lalo na sa mga lalawigan, ayon kay Salceda, na isang Gawad Saka ‘National Awardee.’
Sa naturang pulong nina Salceda at Benitez, tinalakay din nila ang kungkretong mga hakbang na magsusulong sa pagpapalago sa ani ng palay sa destrito ng mambabatas na itinuturing na ‘kamalig’ ng Albay. Kasama sa kurso ang pagsasanay ng mga magsasakang ‘target’ sa paggamit ng AI sa ‘crop management’ at pinalawak na ‘agri- mechanization’ at ‘precision agriculture courses’ ng TESDA.
Sa kanyang patapos na paliwanang, binigyang diin ni Salceda na “sadyang iniutos ng Pangulo sa TESDA na gumawa ng mga hakbang na magpapalago sa agrikultura at mga nito, magpapalaki s akita ng mga magsasaka, at lalong magpapatibay sa siguridad sa pagkain ng bansa.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com