SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NABIGYANG-LINAW na rin ang matagal nang pag-uugnay kina Liza Soberano at James Reid. Hindi sila naging magdyowa.
Ito ang iginiit ni Liza nang makapanayam ito ni Boy Abunda sa kanyang show na Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes na ang interbyu pala ay naganap noon pang March 7, 2023 na hindi iniere dahil na rin sa pakiusap ng dalaga.
Ani Liza, never nanligaw at hindi niya naging dyowa si James. Talent lamang siya ng Careless Music ng aktor.
Sinabi pa ng aktres na hindi si James ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Enrique Gil. Na nabigyang-linaw din nang aminin ni Liza na three years ago pa sila hiwalay ni Quen.
Sa naturang panayam din inamin ng aktres na totoong hiwalay na sila noon ni Enrique dahil sa ilang personal na dahilan. Magkaiba raw ang goals nila sa buhay noon kaya minabuti nilang magkanya-kanya ng landas.
“It was kinda hard for us to be there and support each other the same way that we used to be.
“So, we decided that it was just easier to separate ways and kinda find ourselves first, kinda explore before we take it to the next level, you know?” ani Liza.
Dito ay tinanong siya ni Kuya Boy kung si James ang dahilan ng break up nila ni Quen, na sinagot ni Liza ng, “Oh, no!” At sinabinghindi nanligaw si James at “purely platonic” lang ang nararamdaman nila sa isa’t isa.
“He’s my manager. There is no third party. I know people always like to make it about that, but no, we just grew apart,” giit pa ni Liza.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com