Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
RS Francisco

RS Francisco naudlot muling pag-arte sa teatro

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NANGHIHINAYANG man hindi talaga uubra na muling balikan ni RS Francisco ang pag-arte sa teatro. Kailangan kasi niyang tutukan ang negosyo nila ni Sam Verzosa, ang Luxxe White Ultima ng Frontrow International.

Ani RS magbabalik-teatro sana siya sa pamamagitan ng The Bodyguard: The Musical  ng9Works Theatrical subalit dahil kailangan nilang tutukan ang Kuxxe White, naudlot

ang planong pagbabalik-arte sa teatrp.

Inamin ni RS na miss na niyang umarte sa stage kaya naka-oo siya nang alukin ni Robbie Guevara, 9Works artistic director, na gumanap bilang Sy Spector na nakatakdang mag-run sa September.

Si Sy ay ginampanan ni Gary Kemp sa pelikula, na publicist ng singer na si Rachel Marron (Whitney Houston) sa 1992 film na ipinrodyus at pinagbidahan din ni Kevin Costner.

Paglalahad ni RS nang makatsikahan namin ito na lumuhod siya kay Robbie para mag-sorry. Magpipirmahan na rin kasi sila dapat subalit naisip niyang imposibleng pagsabayin ang pag-arte at pagiging presidente ng Frontrow.

I miss theater, I do,” giit nito. “Pero I have lots of commitment kasi sa business.”

Hinayang na hinayang man si RS wala na siyang magawa dahil simula nang i-relaunch ang Luxxe White Ultima, lalong dumami at mas lumaki pa ang demand sa produkto na ngayon ay available na rin sa ibang bansa tulad ng Dubai.

Inaayos din nins RS at Sam, Frontrow CEO, ang mga papeles sa Hong Kong at Korea.

Katunayan, nang magpa-lunch ang mga ito’y kagagaling langnila ng Taiwan, para bisitahin  ang factory ng kanilang partner doon.

Priority ko talaga ang mga nakaasa sa akin sa Luxxe WhiteIt’s either I fully commit to it or ‘wag na lang. So, nag-pull out po ako,” pagbabahagi pa ng aktor/philantropist.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …